Nag-aalala ka ba sa itsura ng balat sa mukha na kung saan ito ay butas butas? Kung ito ay isang problema para sayo, importante na malaman mo ang options kung paano ito kikinis. Minsan, ito ay pwedeng makaapekto sa iyong self esteem at dapat itong solusyonan.
Mga Sintomas sa Balat sa Mukha
May mga malalaking butas sa mukha
Peklat sa mukha na ayaw mawala
Butlig sa balat sa mukha
Hindi makinis na mukha at butas butas
Ano Ang Dahilan ng Butas Butas na Balat sa Mukha?
Ang isa sa pangunahing dahilan nito ay pagkakaroon ng peklat. Kung ikaw may mahilig magtiris ng pimple nung ikaw ay bata pa, ito ay magiiwan ng marka sa mukha.
May mga ilang tao rin na natural na malalaki ang porse ng balat at ito ay nasa lahi na.
Ano Ang Gamot?
Paano papakinisin ang mukha? Ang iyong balat ay pwedeng sumailalim sa dermabrasion. Ito ay isang proseso na kung saan ang ibabaw na balat ng mukha at papakinisin sa pamamagitan ng exfoliation.
Sa isang banda, ang mga derma clinics ay bihasa sa pagtanggal ng mga peklat sa mukha at mga butas nito. Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor dahil ito ay sensitibong paraan ng papapakinis. May ilang pasyente na pwedeng makamdam ng hapdi at pananakit sa balat.
Magkano Ang Pagtanggal ng Butas sa Mukha
Ang presyo ng ganitong proseso ay may kamahalan. Itanong muna sa iyong doktor kung ano ang nababagay sa iyong balat dahil hindi lahat ng uri ng dermabrasion at pwede sa lahat ng tao. Ang isa sa pinakasimpleng uri nito ay diamond peel na minsan nagkakahalaga mula 900 hanggang 2000.