May nakikita ka bang bukol sa iyong titi? Ito ay maaaring may kinalaman sa iyong kalusugan at dapat na ipatingin sa doktor. Ang bukol sa kahit anong bahagi ng katawan ay pwedeng delikado at pwede ring hindi. Ngunit huwag ipagsawalang bahala ang kahit anong abnormal na parte ng iyong katawan.
Ano Ang Karaniwang Sintomas?
- Bukol sa puno ng titi o ari ng lalaki
- Bukol na matigas na ugat sa titi (nakaalsa)
- May bukol a bayag
- Nakaumbok na bukol sa ulo ng titi
Ano Ba Ang Posibleng Dahilan?
Ang bukol sa ari ng lalaki ay pwedeng dahil sa isang cyst. Ito ay pwedeng makapa habang malambot o matigas ang titi. Pwede ito tumubo sa kahit saang bahagi gaya ng ulo, katawan o puno ng titi. Kung may nararamdaman kang masakit na parte, ipakonsulta ito sa isang doktor.
May ilang bukol na hindi naman delikado. Ito ay posibleng mangyari kapag may injury ang iyong ari. Pwede itong dahil sa nabunggo, masikip na briefs o kaya naman ay baradong ugat. Kung ito ay tumatagal ng ilang araw, ipa-check up ito sa doktor.
Ilang Mga Sintomas
Maliban sa bukol, dapat ka ring magpakonsulta sa doktor kapag may iba ka pang sintomas na maaaring:
Masakit na titi
Masakit na ari kapag umiihi
Masakit ang bukol sa titi kapag nakikipagtalik
Masakit ang titi kapag lumalabas ang semilya
Pwede Ba Ito Gamutin?
Dapat kang magpakonsulta sa isang doktor kung anuman ang iyong sintomas na hindi normal. Importante na malaman kung ano ang dahilan ng iyong bukol upang hindi ito lumala. Maaaring magamot ito depende sa sanhi. Sa ilang pagkakataon, pwedeng ang bukol ay dahil sa isang cyst na posibleng cancer. Huwag pabayaan ang iyong bukol kung ito ay hindi nawawala o kaya sumasakit.