May nakakapa ka bang bukol sa leeg? Pwede itong mangyari sa gilid o bandang batok. Sa ibang pagkakataon, ang bukol ay pwede ring lumitaw sa harapan na siyang mas nakikita sa panlabas na bahagi. Kung ito ay iyong nararanasan, importanteng malaman agad kung ano ang posibleng dahilan ng iyong sintomas.
Ano Ang Mga Senyales?
Ang sintomas ng buko sa leeg ay agad nakikita sa pisikal na anyo. Ngunit may ilang pagkakataon na ito ay hindi nakikita ng mata pero nakakapa.
Pagkakaroon ng bukol sa harap ng leeg
Bukol sa gilid ng leeg kaliwa o kanan
May maliit na bukol nakakapa sa bandang batok
Ano Ang Sanhi ng Bukol sa Leeg?
Kung ang iyong bukol ay nasa harapan at tila lumalaki, maaaring ito ay goiter o kaya naman ay thyroid cancer. May ilang pagkakataon rin na ang dahilan at throat cancer. Sa mga taong mahina ang resistensya, pwede itong isang impeksyon na siyang nagpapamaga sa iyong lymph nodes o kulani.
Ang pagkakaroon ng namamagang kulani sa maraming parte ng leeg ay posibleng may kinalaman sa iyong immune system. Ang mga taong may mahinangresistensya dahil sa HIV o AIDS ay may mataas na chance na magkaroon ng magang lymph nodes. Ngunit ang iba rin na may bagsak na immune system o damaged nito gaya ng may mga diabetes ay posible ring makaranas ng mga ito.
Ano Ang Gamot sa Bukol sa Leeg?
Kung ang iyong kondisyon ay may kinalaman sa thyroid o kaya goiter, maraming paraan upang ito ay magamot. Kausapin ang iyong doctor upang malaman kung ano ang bagay na gamot para sayo.
Sa mga taong may mahinang resistensya gaya rin ng mga may HIV infection, may available na gamot para rito at makontrol ang virus. Ang pagkakaroon ng simpleng infection sa respiratory system, halimbawa ay matinding sipon, ay pwede ring magdulot ng bukol sa gilid ng leeg.
Ang Bukol Ba Sa Leeg Ay Cancer Na?
Hindi dahil may bukol sa leeg ay agad na ito ay cancer. May mga ilang kaso na ito ay benign o hindi cancerous. Kaya marapat na kumonsulta sa isang doctor para malaman kung ano ito.
Ano Ang Mga Test Sa Bukol ng Leeg?
Ang ilan sa mga ito ay ultrasound, thyroid scan at simpleng physical exam. Itanong sa doktor kung ano ang dapat mong gawin.
Ano Ang Doctor Para sa Bukol ng Leeg?
Ang isang ENT ay pwedeng makatulong sayo. Kung ikaw naman ay mayroon nang problema sa thyroid, ang isang endocrinologist ay pwede mong konsultahin para sa mga problema sa leeg.
Magkano Ang Gamot sa Bukol ng Leeg?
Importante na ikaw ay makita muna ng isang doctor para malaman kung ano ang sanhi nito. Dito mo pa lang malalaman kung ano ang gamot at dapat gawin. May ibang tao na kailangan ng surgery para mawala ang bukol.
Iba Pang Kasabay ng Bukol sa Leeg
Pwedeng magkaroon ng iba pang sintomas kapag ikaw ay may bukol. Ang isang tao na meron nito ay pwedeng may pagsusuka, nahihilo, dugo sa suka, masakit na bukol at iba pa.