May nakakapa ka ba na bukol sa iyong batok? May ilang health problems na pwedeng maging dahilan nito. Pero importante na mabigyan ng diagnosis ito mula sa doctor upang malaman ang lunas.
Dahilan ng Bukol sa Batok
Ang pagkakaroon ng bukol sa batok ay maaaring dahil sa isang injury. Kung ikaw ay natamaan ng matigas na bagay, pwede itong mamaga. Kung ang bukol naman at nakakapa sa bandang gilid ng batok, pwede ring ito ay dahil sa lymph nodes o kulani.
Posibleng Dahilan ng Namamaga na Kulani
Ang pagkakaroon ng infection ay pwedeng madulot ng bukol sa kulani. Halimbawa ng mga ito ay HIV, cancer, infection sa tenga, lalamunan at iba pa.
Related: Paano Malalaman Kung May HIV
Bukol Dahil sa Injury
Kung ikaw ay natamaan ng matigas na bagay, pwedeng magkaroon ng pamamaga ang iyong batok at leeg. Dapat itong ingatan dahil sensitibo ang parte na ito ng katawan. Sa kahit anong sintomas, dapat itong ikonsulta sa isang espesyalista.
Sintomas
Iba iba ang posibleng sintomas ng bukol sa batok at leeg. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Bukol sa gilid ng batok
May matigas na buko sa batok pero hindi masakit
Namamaga ang parte ng batok
Malambot na bukol sa gilid ng leed at batok
Masakit ang bukol sa batok kapag hinahawakan
Ano Ang Gamot
Ang pagkakaroon ng bukol ay maaaring hindi isang sakit. Ito ay posibleng sintomas ng isa pang sakit na hindi pa nalalaman. Importante na ikaw ay magpatingin sa isang doctor kung ang bukol ay matagal na at lumalaki. Importante rin na ito ay ay ikonsulta kung ikaw ay nakakaramdam ng pananakit.
Doctor Para sa Batok
Ang isang internal medicine na doctor ay pwedeng konsultahin. Ngunit may isa pang klase ng doktor gaya ng tinatawag na head and neck doctor. Sila ay mga eksperto sa mga problema sa batok at leeg.
References: Healthline