Wala ba ang boses mo? Hirap magsalita at walang tunog na lumalabas? Ito ay maaaring senyales ng pamamalat at importante na malaman mo kung ano ang sanhi nito. Ang pamamalat o pagkawala ng boses ay madalas mangyari dahil sa strain sa larynx.
Ano Ang English ng Namamalat o Nawalang ng Boses?
Sa medical terms, ito ay tinuturing na laryngitis. Ito ay pamamaga ng larynx o voice box na siyang nagbibigay ng tunog kapag nagsasalita. Isa ito sa karaniwang sintomas ng masyadong paggamit ng larynx.
Ano Ang Mga Sintomas?
Ang pagkawala ng boses o pamamalat ay isa sa sintomas nito. Ilan pa sa mga sumusunod ay pwedeng mangyari:
- Hirap magsalita
- Walang lumalabas na boses
- Nanginginig ang boses kapag nagsasalita
- Hindi makapagsalita ng maayos
- Masakait ang lalamunan kapag nagsasalita
Ano Ang Dahilan Nito?
Ang sobrang pagsasalita ay pwedeng maging sanhi ng pamamalat. Pwede rin itong mangyari kapag ikaw ay madalas sumigaw, matagal magsalita o kaya naman ay dahil sa impeksyon.
Masama Ba Uminom ng Malamig na Tubig?
Sinasabi nilang masama uminom ng malamig matapos kumanta o sumigaw ng malakas. Maaaring makaapekto ito sa pagpapahinga ng iyong lalamunan. Upang makasiguro, uminom ng tamang temperatura ng tubig lamang.
Ano Ang Gamot sa Nawalan Ng Boses?
Kusa ring babalik ang boses kapag nagpahinga. Uminom ng maraming tubig o kaya naman gumamit ng msustansyang inumin gaya ng calamansi juice para makarecover ang iyong lalamunan.
Iwasan muna ang pagsasalita ng malakas o madalas para makapagpahinga ang iyong lalamunan. Ito ay mabisang paraan para bumalik ang boses.
Kung ikaw ay may ibang sintomas gaya ng lagnat, masakit kapag lumulunok, nana at pagdudugo, importante na kumonsulta sa isang doktor para masuri kung may impeksyon.
Home Remedy Para sa Minamalat
Bilang first aid, magpahinga. Importante na magsalita ng mahina para mabilis na gumaling ang pamamalat. Pwede ring makatulong ang cleansing gaya ng pagmumog ng tubig na may asin o kaya naman paggamit ng calamansi juice.
Doctor Para sa Nawalan ng Boses
Ang isang ENT doctor ay pwedeng konsultahin kung ikaw ay may pamamalat ng lalamunan. Kumonsulta kung ikaw ay nababahala sa iyong sintomas.