Bawal Ba Maligo Kapag Puyat

Maaaring ikaw ay naguguluhan sa tanong kung masama bang maligo kapag puyat ang isang tao. Huwag kang magalala dahil ito ang magiging paksa ng ating topic. Ang paliligo ay isang normal na gawain upang malinisan ang ating mga katawan. Kung ikaw ay puyat, maaaring nag-iisip ka kung pwede ka bang maligo.

Pwede Ba Maligo Kahit Kulang sa Tulog?

Ikaw ang makakapagsabi kung kaya ng iyong katawan maligo kahit kulang sa tulog. Ang iyong pagligo ay walang kinalaman sa mga sintomas na maaari mong maramdaman ngunit dapat mong suriin ang iyong katawan kung ito ay pwede mong gawin.

See: Online Check Up

May ilang tao na nanlalambot o nanghihina kapag puyat na maaaring senysales ng ibang sakit. Importante na may presence of mind kapag naliligo dahil maaari kang madulas, mauntog o matumba kapag wala sa kondisyon ang katawan.

Kung ikaw ay sobrang pagod o inaantok, makabubuting huwag munag maligo at magpahinga ng lubos.Ang sobrang pagkaantok ay maaari pang maging sanhi ng aksidente habang ikaw ay naliligo.

Masama Ba Magbasa Ng Katawan Kapag Puyat?

Ang pagligo ay isang importanteng bagay para matanggal ang dumi sa katawan. Kung ikaw ay puyat, pwede kang makaranas ng pagkawala ng antok o kaya naman ay lalong pagkaantok.

See: Doktor Para sa Puyat

Importante na malaman mong walang relasyon ang iyong pagligo sa iyong puyat. May mga nagsasabi na nakakabulag ang pagligo kapag puyat ngunit walang scientific evidence na magpapatunaw nito.

Ano Ang Ibig Sabihin ng Puyat?

Ang pagkapuyat ay isang sitwasyon na kung saan ikaw ay kulang sa oras ng pagtulog. May ilang tao na kayang matulog kahit isang oras lang at may iba ring kailangan ng hanggang sampung oras.

Ang katawan ng bawat isa ay iba iba. Kung ikaw ay nakakaranas ng pagod, pagkaantok at stress sa tuwing ikaw ay natutulog sa partikular na dami ng oras, ito ay maaaring senyales ng pagkapuyat.

Masmang Epekto ng Pagpupuyat

Maraming masamang epekto sa katawan ang pagpupuyat. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Mababang mental concentration
  • Panghihina ng immune system o resistensya
  • Pagtaas ng risk ng stroke, diabetes o heart attack
  • Maaaring maging dahilan ng aksidente
  • Pagkawala ng gana sa sex
  • Hirap sa pagbubuntis
  • Pagiging moody

Lalabo Ba Ang Paningin Ko Kapag Naligo nang Puyat

Walang kinalaman ang iyong paningin sa pagligo kahit ano pa man ang oras na gawin mo ito. Ang panlalabo ng mata ay nakadepende sa edad, injury o kaya mga sakit. Ang panlalabo ng paningin sa malayo ay isang sintomas ng nearsightedness.

Kung ikaw ay may problema sa paningin, magpakonsulta sa isang ophthalmologist upang masuri ang iyong sintomas.

References: Webmd