Barado Ang Tenga At Matinis Na Tunog – Sanhi At Lunas

May parang bara ba sa iyong tenga? Kung ikaw ay laging nakakaranas nito, maaaring ikaw ay may impeksyon. Ang pagkakaroon ng pakiramdam na baradong tenga ay madalas na may kinalaman sa Eustachian tube dysfunction. Ngunit posible ring ito ay dahil sa malalang sipon.

Ano Ang Mga Karaniwang Sintomas

  • May matinis na tunog sa loob ng tenga kanan o kaliwa
  • Parang may hangin sa loob ng tenga
  • Baradong pakiramdam sa loob ng tenga
  • May tumutunog na putok sa tenga kapag lumulunok
  • Palipat lipat na barado sa tenga sa kaliwa at kanan

Bakit Ito Nangyayari?

May ilang dahilan kung bakit ito posibleng mangyari. Isa sa posibleng sanhi ay pagkakaroon ng malalang sipon. Ang pagbabara ng ilong ay pwedeng makaapekto sa tenga at lalamunan. Kung ito ay may hindi balanseng espasyo at hangin, maaari itong magkaroon ng pakiramdam na pagiging barado.

Kung ang eustachian tube naman ay may impeksyon, maaari itong magdulot ng ETD o eustachian tube disorder. Dahil dito, maaari kang magkaroon ng mga tunog sa loob ng tenga kapag lumulunok o bumubukas ang iyong bunganga.

Pwede ring magkaroon ng matinis na tunog o parang umuugong na tunog sa loob ng tenga habang ito at barado.

Paano Ito Ginagamot?

Minsan, ang ganitong sintomas ay hindi na kailangan ng gamot. Kung ikaw ay may sipon, maaaring ito ay mawala rin kasabay nito. Ngunit may ilang tao na may pagbabara pa rin sa tenga matapos ang sipon.

Kung ikaw naman ay nag-aalala, dapat kang kumonsulta sa isang doktor na ENT. Siya ay maaaring magbigay ng gamot kung sa tingin niya na ikaw ay may impeksyon.

Sa iyong paghinga, pagposisyon sa pagtulog o kaya naman sa pagbukas at pag nganga ng iyong bunganga, maaari kang makaranans ng mg popping sound or clicking sound sa loob ng iyong tenga. Sumangguni sa iyong doktor kung may paghina ng iyong pandinig.



Last Updated on June 5, 2018 by admin

Home / Problema sa Tenga / Barado Ang Tenga At Matinis Na Tunog – Sanhi At Lunas