Nararamdaman mo ba na mabigat ang ilong mo? Sa umaga, pwedeng ito ay barado at hirap makahinga. Kung madalas itong mangyari, alamin kung ano ang sanhi.
Dahilan Ng Baradong Ilong Pagkagising
Ilan sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng sipin o colds, allergies o kaya naman sobrang lamig ng panahon. Minsan, pwede rin ito ay dahil sa masikip na daluyan ng hangin sa ilong o kaya infections. Importante na malaman ito ng doctor kung madalas itong mangyari.
Gamot Para sa Palaging Barado ang Ilong Sa Umaga
Kung ang iyong baradong ilong ay dahil sa allergies, importante na alisin ang mga bagay na nagdudulot sayo nito. Ang allergy ay pwedeng dahil sa alikabok, tela, at iba pang dumi.
Kung ang ilong ay may infection, dapat itong ipatingin sa doctor. Dito malalaman kung ano ang sanhi nito at nagbabara sa umaga. May tinatawag ding non-allergic rhinitis na pwedeng maging sanhi nito ayon sa NHS.
Doctor Para sa Baradong Ilong
Ang isang ENT ay doctor na sumusuri sa ilong. Pumunta sa isang espesyalista kung ito ay madalas mong maranasan. Ang pagkakaroon ng ibang sintomas gaya ng lagnat, masakit na ilong at nagluluhang mata ay dapat na isangguni sa isang doctor.
Sintomas ng Baradong Ilong sa Umaga
Ang ilan pa sa mga sintomas na pwedeng kasabay nito ay:
Pagkakaroon ng maraming kulangot sa umaga
May dugo sa kulangot
Mabigat na pakiramdam sa loob ng ilong
Mga Lunas At Gamot
May Ilang Anti Allergy or Decongestants na pwedeng mabilis sa mga pharmacy. Ngunit kailangan mong magtanong muna sa doctor o pharmacist kung ang mga yun at bagay sa iyong karamdaman. Huwag iinom basta basta ng gamot na walang reseta ng doctor.