Sumasakit ba ang balikat mo kapag ginagalaw ito? Ang kondisyon sa pananakit ng balikat ay pwedeng dahil sa muscles o buto. Ngunit may mga ilang dahilan na pwede namang maiwasan upang hindi sumakit ang balikat.
Sintomas At Senyales
Sumasakit ang balikat ng isang tao kapag ito ay may problema sa joints, buto o kalamnan. May mga ilang kondisyon kung bakit ito nangyayari at ang mga karaniwang sintomas ay:
Masakit na balikat kapag tinataas ang kamay
Sumasakit ang balikat kapag iniikot ang braso
Masakit na balikat kapag naglalakad
Masakit ang balikat kapag nakaupo o nakatayo
Mga Posibleng Dahilan
Ang mga pananakit ng balikat ay maaaring pisikal ang pinanggagalingan. Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang sumusunod:
- Arthritis
- Pananakit galing sa mabigat na gawain
- Maling pagbuhat ng mabigat na bagay
- Rotator cuff pain
- Pamamaga ng joints
- Bursitis
- Bali sa balikat
May Lunas Ba Para Rito?
Ang pananakit ng balikat at mga bahagi nito ay dapat na ikonsulta sa doktor. Ngunit may ilang kondisyon na kung saan ang masakit na pakiramdam ay dahil sa bali o nabalian. Marapat na ito ay dalhin agad sa emergency room upang malunasan.
Ito Ba Ay Heart Attack?
May ilang tao na nakakaranas ng masakit na balikat kapag sila ay inaatake sa puso. Ngunit kung ikaw ay may masakit na balikat, hindi ibig sabihin nito ay may heart attack ka na. May ilan pang kasabay na mga sintomas ang sakit sa puso maliban sa masakit na balikat.
Doktor Para Sa Balikat
Ano ang doktor na pwedeng konsultahin para sa balikat? Ang isang general o family medicine na doktor ay pwede nang tumingin ng iyong balikat. Ngunit ang espesyalista sa ganitong problema ay isang orthopedic surgeon.
Ang mga ospital ay may magagaling na orthopedic surgeon doctors na pwede mong konsultahin tungkol sa iyong balikat na masakit.