Wala ka bang lakas at nanlalambot? Isa ito sa problema ng maraming Pilipino. Bata at matanda, pwedeng makaranas ng panglalambot ng katawan at panghihina. Ano ang sanhi ng ganitong sintomas?
Dahilan ng Panlalambot ng Katawan
Isa sa posibleng dahilan ng nanlalambot na katawan ay stress. Kung ikaw ay palaging stressed out, pwedeng humina ang iyong katawan at hindi mabalanse ang hormone. May mga tao rin na nanglalambot dahil sa kakulangan ng vitamins at nutrisyon.
Mga Gamot Sa Panlalambot
Ang panglalambot ng katawan ay pwedeng ihalintulad sa biglaang pagtamlay. Ang isa sa posibleng sanhi nito ay kakulangan sa pahinga. Kung ikaw ay masaydong stressed, makakabuti na mag relax at magpahinga.
Ang kakulangan sa vitamins ay posible ring magdulot ng panlalambot. Ang Iron ay isa sa tinitingnan na dahilan kung bakit matamlay ang isang tao at nanghihina. Kung rekomendado ng doctor, pwede ang Iron supplements na makatulong.
Ang pagkakaroon ng sakit ay isa rin sa posibleng dahilan ng panlalambot sa araw araw. Halimbawa ng mga sakit na ito ay cancer at HIV. Importante na magpatingin sa isang doctor kung nababahala na sa iyong sintomas.
Doctor Para sa Panlalambot ng Katawan
Ang nanlalambot na katawan ay pwedeng ikonsulta sa isang internal medicine, family medicine o general medicine na doktor. Sila ang unang titingin kung ano ang iyong sintomas at mga test na kailangan.
Pagkain Para sa Panlalambot
Ang kakulangan sa tamang nutrisyon ay pwedeng magdulot ng ganitong sintomas. Kung hindi sapat ang nakakain at ang vitamin intake, dapat itong bigyang pansin. Sa mga may kulang sa vitamins at minerals, ang mga prutas at gulay ay dapat na maging regular na bahagi ng iyong pagkain.