Naranasan mo na ba magkaroon ng maitim na tae? Kung ito ay madalas mangyari sa iyo, maaaring ikaw ay may karamdaman sa sikmura na dapat matingnan ng isang doktor.
Dahilan at Sanhi Ng Maitim Na Tae
Maraming posibleng dahilan ang maitim na dumi gaya ng sintomas ng stomach cancer, hyperacidity, o kya bilang sintomas ng ulcer. Sa English ito ay tinatawag ring tarry stool.
See: Online Check Up
- Hyperacidity
- Stomach Ulcer
- Colon Cancer
- Food Color
Gamot Sa Maitim Na Dumi
Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor na gastroenterologist upang malaman ang tunay na sanhi ng iyong maitim na dumi.
See: Kumonsulta sa Doktor
May ilang test na pwedeng irekomenda ng isang doktor gaya ng endoscopy, barium swallow, ultrasound, colonoscopy, fecal occult examination at iba pang diagnostic procedure kung kinakailangan.
Isa sa karaniwang dahilan ng maitim ng dumi ay dahil mismo sa kulay ng pagkain. Kung ikaw ay kumain ng maitim na pagkain sa nakalipas na 24 oras, maaari itong magdulot ng maitim na tae. Ang ilan sa karaniwang pagkain na nagdudulot nito at chocolate, duhat at iba pang makulay na pagkain.
Sa isang banda, ang pagkakaroon ng maitim na dumi ay pwedeng dahil sa pagdurugo sa loob ng sikmura o kahit na bituka. Ang isang tao na may sakit na ulcer o cancer ay pwedeng magkaroon ng dugo sa tae na nagiging kulay itim kung ito ay inilabas na.
May ilang sintomas na dapat bantayan kung ito ay dahil sa sakit gaya ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, biglaang pagpayat, kawalan ng gana sa pagkain at iba pa.
Mga Sintomas
- Maitim palagi ang tae kapag dumudumi
- May dark brown or sobrang itim na dumi
- Masakit ang tiyan
- Madalas na pagdumi ng lusaw o tubig ngunit maitim
Paano Nakukuha Ang Dark Na Tae
Gaya nang nabanggit, ito ay posibleng dahil sa kinain o sa pagdurugo sa loob ng tiyan. Mahalagang maging mapagbantay tayo sa ating kalusugan upang maagapan ang anumang sakit na lumala.
Kung ikaw ay nakakaranas ng di karaniwang sintomas sa iyong pagdumi, pagkain at kalusugan, kumonsulta agad sa isang doktor.
References: MtSinai