Bakit Madalas Ako Umutot – Sanhi Ng Palaging Umuutot

Nauutot ka ba palagi? Ang utot ay normal lamang na ginagawa ng ating katawan. Ito ay para mailabas ang gas o hangin sa loob na pwedeng dahil sa kinain o hininga na ating nasagap. Ngunit may ibang tao na palaging nauutot ng tila walang dahilan.

Mga Sintomas Nito

Ang madalas na pag utot ay hindi naman dapat ikaalarma dahil ito ay natural lamang. Ngunit kung ito ay madalas mangyari, pwede mong ipasuri ang iyong digestive system sa isang doktor. Ang ilan sa mga posibleng sintomas na kahalintulad nito ay:

  • Palaging umuutot pagkatapos kumain
  • Utot ng utot na may mainit na hangin
  • Madalas na pag utot nang walang amoy
  • Palaging may hangin sa loob ng tiyan

Ano Ang Mga Posibleng Dahilan Nito?

Ang palagiang pag-utot ay pwedeng may kinalaman sa taas ng acid sa iyong sikmura. Ang pagkakaroon ng hyperacidity ay nagdudulot ng maraming hangin sa loob ng tiyan na lumalabas bilang utot o dighay.

Sa isang banda, may mga karamdaman na pwedeng maging sanhi ng utot na madalas. Ilan sa mga ito ay ulcer, infection sa colon, colon cancer (rare o bihira), mga klase ng pagkain na kinain sa nakalipas ng 24 oras o kaya naman ay simpleg kabag.

Diarrhea at LBM

Ang pagkakaroon ng pagtatae o diarrhea ay maaari ring magdulot ng hangin sa tiyan. Ito ay lalabas bilang utot kasabay ng dumi na lusaw o parang tubig. Ang palaging paggalaw ng sikmura at bituka ay nakakapagpataas ng lamang hangin sa loob ng tiyan.

Ano Ang Lunas Para Rito?

Ang hyperacidity ay pwedeng malunasan sa mga iniinom na gamot. Isa sa pwedeng makalunas dito ay antacid. Nabibili ang mga ito sa botika kahit walang reseta. Umiwas din sa mga pagkain na pwedeng magdulot ng mataas ng acid gaya ng chocolate, softdrinks, kape at alcohol.

Ang mga uri ng impeksyon sa bituka ay pwedeng basterial o fungal. Ito ay ginagamot din base sa klase ng impeksyon. Ang iyong doktor ang siya lamang pwedeng makapgbigay ng reseta para rito. May ilang procedure o test na pwede niyang irequest upang malaman ang iyong karamdaman. Ito ay maaaring fecalysis, stool analysis, colonoscopy o maging endoscopy.

Iba Pang Sintomas

Kung ikaw ay may iba pang sintomas, maaari kang kumonsulta sa isang doktor. Alamin ang iyong sakit kung meron kang dugo sa dumi, masakit na tiyan, laging nagtatae, nagsusuka o kaya naman ay biglang pagpayat o kawalan ng gana sa pagkain.



Last Updated on March 19, 2018 by admin

Home / Sakit sa Sikmura at Tiyan / Bakit Madalas Ako Umutot – Sanhi Ng Palaging Umuutot