Bakit Laging Tumitigas Ang Titi Ko – Madalas Na Matigas Na Ari Ng Lalaki

Palagi ka bang tinitigasan nang walang dahilan. Ang mga kalalakihan ay normal na magkaroon ng erection o pagtigas ng ari. Ngunit may ilang indibidwal na maaaring nag-aalala sa madalas na pagtigas ng kanilang ari.

Ano Ang Karaniwang Sintomas

Laging tumitigas ang titi nang walang dahilan

Matigas ang titi pagkagising sa umaga

Biglang tumitigas ang ari

Hindi makontrol na pagtigas ng ari

Matigas pa rin ang ari matapos mag-masturbate (jakol)

Ano Ang Dahilan Nito

Ang pagtigas ng ari o titi ng lalaki ay isang normal na bagay. Sa katunayan, ito ay maaaring senyales na mayroon kang malusog na katawan at reproductive system.

Karaniwang ang mga nagbibinata ay nakakaranas ng madalas na pagtigas at ito ay hindi dapat isipin bilang isang problemang pangkalusugan.

Samantala, maaari kang magkaroon ng pagtigas ng ari sa mga di inaasahang sitwasyon o panahon. Kahit wala kang iniisip ay maaari pa rin itong tumigas nang biglaan, ito ay normal lamang at hindi dapat ikabahala.

Paano Pigilan Ang Pagtigas Ng Ari

Maraming kalalakihan ang nahihiya na makita ng ibang tao ang kanilang pagtigas ng ari. May ilang tips na pwedeng gawin upang maiwasan ito, isa na rito ay ang pag-iisip ng ilang bagay na hindi nakakadagdag sa libido o libog ng isang lalaki.

Kailangan Ko Bang Magpa Check Up?

Kung wala ka namang ibang nararamdaman na masakit sa iyong ari o kakaibang sintomas sa katawan, maaaring hindi mo na kailangan na magpakonsulta sa isang doktor dahil lamang sa madalas na pagtigas ng ari. Ito ay normal na nangyayari sa isang malusog na lalaki.