Ano Ang Lunas Sa Nakakalbo Na Lalaki at Babae

Nalalagas ba ang iyong buhok? Ito ay maaaring makapagpababa ng iyong self confidence pero may ilang hakbang na pwede mong gawin upang masolusyonan ito. Bakit ako nakakalbo?

Mga Dahilan ng Nalalagas na Buhok o Hair Fall

May ilang dahilan na dapat mong malaman kung bakit ito nangyayari. Sa mga lalaki, iba ang posibleng sanhi gayun din sa mga babae. Ang sanhi ng pagkakalbo ay maaaring may kinalaman sa kalusugan ng isang tao.

Genetics o nasa lahi

May ilang lalaki na posibleng malagas ang buhok o makalbo dahil sa lahi. Ito ay kadalasan namamana at makikita ang mga sintomas habang tumatanda. Unang nakakalbo ang itaas ng ulo at harap mula noo.

Stress

Ang parehong lalaki at babae ay pwedeng makalbo dahil sa stress. Una, nagiging manipis ang buhok at unti-unting nalalagas. Ang stress ay nagbibigay ng mga chemicals sa katawan na nagpapahina sa kapit ng buhok nito.

Pagtanda

Sa mga senior citizen, natural lamang na mabawasan ang kapal ng buhok. Ito ay dahil sa humihinang kapit ng buhok sa anit.

Ang pagsusuklay ng madiin at madalas ay nakakahina rin ng hair strands. Iwasang paulit-ulit na gawin ito lalo na kung mahaba ang iyong buhok.

Pagkakaroon ng Balakubak at Iba pang impeksyon sa anit

Ang balakubak o dandruff ay nakakalagas din ng buhok dahil ito ay isang fungal infection. Pwedeng humina ang buhok at ito ay malagas o mapatid.

Sa Mga Babae

Ang pagkakalbo ng mga babae o paglagas ng buhok ay maaaring may kinalaman sa hormone imbalance. Kung ang isang babae ay nagiging manipis ang buhok, pwede itong dahil sa menopause, stress, hormone problems, pag-inom ng gamot at iba pa.

Ang pagbubuntis ay maaari ring makalagas ng buhok sa mga babae. Ito ay dahil sa pagbabago ng hormone sa katawan.

Alopecia

Ang patsi-patsi o bilog bilog na lagas ng buhok sa anit ay tinatawag na alopecia. Ito ay maaaring dahil sa isang auto-immune disease o stress.

Gamot

Kung ikaw ay may iniinom na gamot o kaya naman ay nasa isang threapy gaya ng chemotherapy, maaaring malagas ang iyong buhok at makalbo. Ito ay normal na reaksyon ng katawan dahil sa kemikal.

Ano Ang Lunas Sa Pagkakalbo?

Ang gamot sa nalalagas na buhok ay maaaring ibigay ng isang doktor ayon sa iyong sintomas. May mga shampoo at lotion para sa anit na pwedeng makatulong sa pagtubo ulit ng buhok.

May ilang hair grow shampoos at creams o lotions na pwedeng mabili. Madalas ito ay may kasamang herbal o organic ingredients na tumutulong para tumubo ulit ang buhok.

Mga Tips Para Lumago Ang Buhok

May ilang hakbang na pwedeng gawin para makatulong tumubo ulit ang manipis na buhok. Ang makapal na buhok ay pwedeng makamit muli sa mga sumusunod na hakbang:

  • Paghugas ng buhok
  • Paggamit ng shampoo na may mild ingredients o hypo-allergenic
  • Paggamit ng aloe vera
  • Pag-iwas sa stress
  • Pagkain ng masustansya

Tutubo Ba Ulit ang Buhok Ko?

May mga pagkakataon na maaaring tumubo ulit ang nakalbong buhok. Iawasan lamang ang stress at kumain ng masustansyang pagkain. May pagkain ba para sa nakakalbo? Ang mga pagkain para sa nalalagas na buhok ay iyong mga may sapat na vitamins at minerals. Makakatulong ang mga ito para manumbalik ang sigla ng iyong anit.

 



Last Updated on February 28, 2018 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Ano Ang Lunas Sa Nakakalbo Na Lalaki at Babae