Ano Ang Gamot Sa Pagkabaog – Bakit Hirap Ako Mabuntis

Nahihirapan ka bang makabuo ng baby? Kung sa tingin mo ay may sintomas ka ng pagkabaog, importante na malaman mo ang posibleng dahilan nito. Sa isang banda, maaari pa ring magkaroon ng anak ang isang baog na lalaki o babae depende sa mga treatment na ibibigay ng doktor.

Ano Ang Sanhi ng Pagkabaog?

Sa mga lalaki, ang isa sa sanhi o dahilan at problema sa testicles o bayag. Kapag ang itlog ng lalaki ay may injury o kaya naman ay may problema sa pagbuo ng semilya, maaari itong maging dahilan kung bakit hindi mabuntis ang isang babae.


Sa mga babae, ang problema sa ovary, uterus at Fallopian tube and posibleng pagmulan ng problema. May mga pagkakataon rin na ang hormone ng babae ay may problema kaya nagiging sanhi ito ng pagkabaog. Ang hormone ay posible ring ituro bilang dahilan ng hindi magkaanak sa mga lalaki kung testosterone level ang pag-uusapan.

Pagkabaog Sa Lalaki

Ano ang gamot para sa lalaki? Importante na masuri ng isang doktor ang kalidad o quality ng sperm cells. Ito ang magsasabi kung malulusog ba ang mga ito upang makabuo ng anak. Ang paginspeksyon sa ari ng lalaki gaya ng bayag ay mahalaga rin gayun din ang prostate gland. May mga fertility tests na pwedeng gawin base sa rekomendsayon ng doktor. Maaari ring sumailalim sa hormone therapy kung ito ay ibibigay ng doktor bilang isang option.

Gamot Sa Baog Na Babae

Sa mga babae, magpakonsulta sa isang OB Gyne upang malaman ang dahilan at posibleng gamot para sa pagkabaog. May mga hormone therapy din na pwedeng ibigay sa isang babae ayon sa kanyang kalusugan at desisyon.

Ano Ang Mga Paraan Para Maiwasan Ito?

Ang mga problema ng lalaki gaya ng erectile dysfunction, impotence at iba pa ay dapat munang magamot upang maging kaaya-aya ang pakikipagtalik at pagkakataon na makabuntis. May mga ilang gawain na dapat ring iwasan ng parehong babae at lalaki:

  • Pag-inom ng alak
  • Paninigarilyo
  • Pagkakaroon ng sobrang stress
  • Masyadong madalas na pakikipagtalik
  • Pagiging overweight
  • Pagpupuyat

Ano Ang Mga Herbal Na Gamot Para Rito

Dapat munang kumonsulta sa isang doktor bago gumamit ng kahit anong herbal medicine. Ang pagkain ng masustansiya at pagkakaroon ng healthy lifestyle ay makakatulong na para maging malusog ang iyong sperm o egg cells.

Paano Malalaman Kung Baog ang Lalaki o Babae

Walang ibang paraan kundi ang fertility test ang siyang makakasuri ng ganitong kalagayan. Ngunit kung ikaw ay nakikipagtalik at hindi makabuntis, maaaring isa itong sintomas ng pagkabaog.

error: Copyright Protected!