May nararamdaman ka bang garalgal sa boses mo? Maaaring ikaw ay malat at ito ay nakakaabala sa iyong pagsasalita. Madalas, ang taong minamalat ay hirap sa pagsasalita o kaya naman may nararamdamang hirap sa paglunok. Dapat mong malaman kung ano ang gamot sa minamalat na boses.
Ano Ang Malat sa English?
Ang malat ay pwedeng ihambing sa sintomas ng sore throat. Kapag ito ay nangyayari, ang iyong lalamunan ay namamaga. Ito ang sanhi kung bakit hirap ka magsalita o kaya naman ay paos.
Mga Sintomas ng Malat
Ang pamamalat ng boses ay madidinig kaagad kapag ikaw ay nagsalita. Ito ay parang nawawala ang boses at walang lumalabas na tunog.
Sa ibang tao, ito ay hirap sa pagsasalita at paglunok na masakit. Kahit pag inom ng tubig o paglunok ng laway ay masakit na.
Ano Ang Sanhi ng Pamamalat?
Ang dahilan ng pamamalat ay pwedeng dahil sa namamaga ang lalamunan. Ito rin ay tinatawag na sore throat. Pwede itong mangyari kapag ikaw ay may infection o kaya naman ay maghapon na nagsasalita nang malakas.
Gamot sa Malat
Ano ang gamot sa minamalat? Ang gamot sa pamamalat ay simpleng pahinga lamang. Makalipas ng ilang araw, babalik rin ang iyong boses. Ngunit ang mga taong may senyales ng impeksyon ay dapat na kumonsulta sa doktor. Ito ay magagamot sa pamamagitan ng antibiotics na tanging ang doctor lamang and pwedeng mag reseta.
Sa panandaliang silusyon, pwede kang magkaroon ng first aid para mabawasan ang pananakit ng lalamunan. Pwedeng magmumog ng maligamgam na tubig na may asin o suka para maging cleanser o antiseptic.
Iwasan muna uminom ng malalamig na inumin o kaya magsalita ng matagal.
Ano Ang Doctor sa Pamamalat?
Ang isang ENT doctor ay pwedeng konsultahin tungkol dito. Siya ay gagawa ng ilang tests para malaman kung ano ang sanhi ng iyong pamamalat.
Babalik Din Ba Ang Boses ng Minamalat?
Oo, kung ikaw ay naggagamot o kaya naman nakapagpahinga ng maayos, ang boses ay babalik din. Sa ilang rare conditions, and pamamalat ay pwedeng dahil sa cancer o iba pang sakit. Mabuting itanong sa doktor kung ano ang sanhi ng sintomas mo.