Nakagat ka ba ng pusa? Ng aso? Importante na ikaw ay maglapat agad ng first aid para hindi lumala ang iyong sugat at magdulot ng impeksyon. Ang kagat ng hayop gaya ng pusa at aso ay dapat na bigyang pansin lalo na para maproteksyunan laban sa rabies at tetanus infection.
Ano Ang Dapat Gawin Kapag nakagat ng Aso o Pusa
Ang first aid sa kagat ng aso at pusa ay peraho laman. Kung ito ay mangyari, importante na hugasan ang sigat ng sabon sa loob ng 10 minutes. Huwag paduguin ng todo dahil baka lalo lamang pumasok ang laway sa iyong bloodstrean, delikado kung ito ay may rabies.
Pwede ba gumamit ng bawang o suka sa kagat ng aso at pusa? Hindi nirerekomenda na ito ay gamitin dahil hindi naman napapatunayan pa na ito ay mabisa laban sa rabies.
Matapos hugasan, lagyan ng povidone iodine ang sugat.
Paano Ginagamot Ang Rabies?
Ang rabies ay hindi na mapipigilan kapag ito ay naglabas na ng sintomas. Importante na ikaw ay mabakunahan ng anti rabies vaccine kapag nakagat ng aso o pusa. Pumunta agad sa iyong doktor upang masuri kung kailangan mo ng rabies injection.
Ano Mga Sintomas Ng Rabies
Sa unang mga oras, may pamamanhid sa sugat na nakagat. Makalipas ng ilang linggo o araw, ang rabies ay pwedeng magdulot ng pagkalito, pagiiba ng pag-iisip, paglalaway, paninigas ng mga muscle.
First Aid sa Kalmot ng Pusa
Madumi ang mga kuko ng pusa at aso. Kung ikaw ay nakalmot, gawin din ang mga payo gaya ng kagat. Importante na gawin ang first aid at kumonsulta sa doktor pata ito ay maagapan laban sa rabies.