Ano Ang Dapat Kainin Kapag May Constipation

Hindi ka pa ba dumudumi hanggang ngayon? Kung ikaw ay constipated, pwede itong makasama sa iyong kalusugan kapag tumagal. Ang constipation ay nakakabahal kapag masyado na itong matagal at nahihirapan ka nang tumae.

Madalas na Sintomas ng Constipation

Ang constipated na tao ay pwedeng makaranas ng mga sumusunod:

Hindi tumatae na higit sa dalawa o tatlong araw

Matigas palagi ang tae kapag lumalabas

Matigas ang dumi at masakit sa butas ng puwet

Buo buo ang tae kapag lumalabas

Dumudugo ang butas ng pwet kapag tumatae

Pakiramdam na mabigat ang tiyan dahil hindi makatae

Mga Pwedeng Kainin Kapag Constipated

Ang pagkain ng may mataas na fiber ay nakakatulong para mas maging malambot ang tae. Ang fiber na makukuha sa mga prutas at gulay ang siyang magbibigay ng parang pampadulas sa iyong dumi para madali itong lumabas.

Ilan sa mga pagkain na mataas sa fiber ay:

Brown rice

Kamote

Oats

At mga madahon na gulay

Okra

Yogurt

Constipation sa mga Bata

Mas mahirap makadumi ang mga bata kapag constipated dahil mas maliit ang kanilang digestive system. Kumonsulta sa iyong doctor kung kinakailangan ng gamot o suppository upang makatulong sa pagdumi.

May Gamot Ba Para sa Constipation?

May mga nabibiling gamot sa botika na pwedeng makatulong para mas makalabas nang maayos ang iyong dumi. Ang ilan naman ay gumagamit ng supplements para rito.

Importante na uminom ng maraming tubig na makakatulong sa constipation.

Ano Ang Doctor Para sa Constipation?

Ang constipated na tao ay pwedeng kumonsulta sa isang gastroenterologist. Sila ang eksperto sa mga sakit sa sikmura at digestive system. Kung ikaw ay may iba pang katanungan o kaya mga sintomas, pwede kang pumunta sa isang doktor na gaya nito.

Ano Ang Herbal Para sa Consitpation?

Kumain lamang ng madahon na gulay at prutas na mataas sa fiber ay ito ay makakatulong na. Kung hindi pa rin makadumi, kumonsulta sa isang doctor.



Last Updated on September 22, 2019 by admin

Home / Sakit sa Sikmura at Tiyan / Ano Ang Dapat Kainin Kapag May Constipation