Ano Ang Butlig Sa Talukap Ng Mata? – Pimple Sa Eyelids

May nakikita ka bang butlig sa talukap ng mata? Pwede itong makita sa taas o ibaba na bahagi ng iyong talukap. Kapag ikaw ay pumipikit, maaari itong magbigay ng sagabal sa iyong paningin. Ano nga ba ang dahila nito at paano ito magagamot?

Ano Ang Butlig Sa Mata?

Ang butlig na nakikita mo ay maaaring yung tinatawag na kuliti. Ito ay impeksyon sa isa sa mga butas ng talukap kung saan tumutubo ang buhok o eyelashes. Ang talukap ng mata ay may maliliit na butas na pwedeng mabarahan at maging dahilan ng butlig nito.

Minsan, ito ay walang kulay ngunit minsan ito rin ay parang pimple na may nana. Kung ito ay malala, ito ay pwedeng mamaga at mamula.

Paano Ito Nakukuha?

Saan ba nakukuha ang kuliti? Ang pagkakaroon ng baradong oil glands sa mata ay pwedeng magdulot nito. Ngunit isa rin sa mga dahilan ay pagkakaroon ng impeksyon. Ang pwedeng dahilan ay paghawak ng mata gamit ng maduming kamay, paggamit ng lumang make up, expired na make up o kaya hindi natanggal na dumi o make up kapag natutulog na.

Paano Ito Ginagamot?

May ilang tao na kusang gumagaling ang butlig sa mata at sa talukap nito. Ngunit ang mga kondisyon na may nana o namamaga na, importante na makita ito ng isang doktor upang makapagbigay siya ng antibiotic kung kinakailangan. Kapag napansin mong lumalaki ito at tumagal ng ilang araw, magpakonsulta na agad sa doktor.

Nakaka-kuliti Ba Ang Paninilip o Pamboboso?

Walang basehan ang ganitong kaisipan dahil ang butlig sa mata sanhi ng kuliti ay isang uri ng impeksyon.

Ano Ang Gamot Sa Kuliti Sa Bukol sa Pilikmata

Gaya ng nasabi, kusa itong gumagaling sa maraming tao. Ngunit dapat kang pumunta sa isang doktor kung ito ay lumalala. Pwede siyang magbigay ng gamot para sa sty (English ng kuliti).

Gaano Katagal Bago Gumaling Ang Kuliti?

Ang butlig sa mata dahil sa kuliti ay pwedeng tumagal ng 3 araw hanggang dalawang linggo depende sa iyong immune system.

Paano Ito Maiiwasan

Ugaliin na maghugas palagi ng kamay. Huwag manghihiram ng make up o kaya huwag magpahiram ng make up sa ibang tao. Tingnan palagi kung expired na ang iyong mga gamit sa mata.



Last Updated on September 10, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Ano Ang Butlig Sa Talukap Ng Mata? – Pimple Sa Eyelids