Napapansin mo ba na parang bugok na itlog ang amoy ng iyong utot? May mga ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Madalas ito ay dahil sa iyong kinakain. Ngunit may ilan naman na dahil sa isang impeksyon o sakit sa loob ng bituka. Importanteng malaman mo ang dahilan nito upang malunasan.
Ano Ang Mga Sintomas?
Sa mga tao, iba iba ang posibleng sintomas nito. Ngunit ang pagkakaroon ng parang bugok na itlog na amoy ng utot ay may mga dahilan. Ilan pa sa mga ito ay:
- Mainit na utot
- Parang mahapdi o acidic na utot
- May amoy na nilagang itlog o parang sulfur na utot
- May parang kumukulo sa loob ng tiyan
Ano Ang Dahilan?
Hydrogen sulfide ang posibleng nagiging amoy itlog kapag ikaw ay umuutot. Ito ay dahil sa bacteria na nagbubulok ng ilang uri ng pagkain.
Sa isang banda, ang pagkakaroon ng fungal infection sa malaking bituka o kaya sa sikmura ay pwede ring mauwi sa ganitong amoy. May mga pagkakataon na dumadami ang fungus sa loob ng bituka kapag ang tao ay stressed. Sa isang banda, ang mga taong mahina ang immune system gaya ng may diabetes at HIV ay pwedeng tamaan rin nito.
Kung may mga kinain ka kamakailan, maaaring ito rin ay may epekto sa klase ng amoy ng iyong utot. Alamin ang kinain mo sa nakalipas na 24 hours upang malaman kung ano ang sanhi ng amoy ng iyong utot.
Ano Ang Dapat Gawin
Kung may iba ka pang sintomas na nararamdaman, magpakonsulta sa isang gastroenterologist. Sa mga taong may LBM, diarrhea o hyperacidity, may ilang klase ng utot na pwedeng magmula rito. Sa isang banda, ang palaging pag-utot ay may kaugnayan rin sa iyong kinain o kung anumang sakit na hindi pa natutuklasan. Importante na magpa-check up ka kung may mga sintomas ka gaya ng palaging masakit ang tiyan, may dugo sa dumi, nangangayayat o kaya palaging may diarrhea.
May Gamot Ba Para Rito?
Kung madidiskubre ng iyong doktor na meron kang fungal infection, ito ay nagagamot sa pamamagitan ng anti-fungal medication. Doktor lamang ang pwedeng magreseta sa iyo nito. Sa isang banda, pwedeng magrequest muna ang doktor ng ilang test gaya ng fecalysis o colonoscopy depende sa iyong sintomas.