May ilang karamdaman na pwedeng magdulot ng pananakit ng bahaging ito ng ating mga binti. Una, pwedeng ito ay dahil sa arthritis. Ang bahaging ito ay konektado sa tuhod at pwede itong makaranas ng di magandang pakiramdam kapag kumikilos ayon sa Mayoclinic.
May ilang mga tao na nakakaranas ng pananakit dito. Maaari itong mangyari depende sa iyong kilos. Ilan sa mga halimbawa ng sintomas ay ang mga sumusunod:
- Masakit kapag binabaluktot ang tuhod
- Masakit kapag nakatayo
- Kapag umuupo, may pananakit
- Parang hinahatak ang sakit
- Hirap makatayo ng matagal
- Masakit kapag naglalakad
Litid na napatid. Ito ay posible ring mangyari kapag ikaw ay biglang tumayo o umupo. Ang litid sa ating tuhod at alak-alakan ay sensitibo ay pwede itong mapatid. Kung may narinig kang lagutok, pwedeng ito ay dahil sa litid.
Nabunggo. Ang pagkabunggo ng bahaging ito ay sensitibo. Maaring ito ay nangyari makaraan ng ilang araw at ngayon lamang umepekto ang sakit. Makikita mong may pasa o gasgas sa balat na bahaging ito kapag nabunggo ng matigas na bagay.
Herniated disc. Ang problema sa lumbar sa may balakang ay pwedeng makaapekto sa iyong alak-alakan,. Kapag may herniated disc ang isang tao, nakakaapekto ito mula sa puwet hanggang sa mga paa. Maaari itong magdulot ng masakit na pakiramdam sa alinmang bahagi ng iyong katawan pababa.
Ang physical therapy ang unang pwedeng lunas para sa masakit na alakalakan. Ngunit ito ay dapat na ibigay ng doktor upang magkaroon ng tamang programa para sa paggaling. Maliban dito, pwede kang bigyan ng iyong doktor ng pain reliever kung ito ay hindi naman masyadong malala.
Ang isang orthopedic surgeon ang doktor na pwedeng tanungin at konsultahin para sa ganitong karamdaman. Pwede ka niyang bigyan ng gamot na magbibigay ginhawa panandalian. Ngunit ang ilang test ay pwede niya ring hilingin na iyong gawin kasama ang X-ray, ultrasound at iba pa.
Mainam na bigyan ng masahe ang parte na masakit. Ngunit dapat itong gawin ng dahan dahan at may pag-iingat. Kung ikaw ay hindi makatayo ng maayos at nahihirapan maglakad, pwede kang magpatulong upang gabayan ka papunta sa doktor.