May nararamdaman ka bang masakit sa ngipin mo kapag kumakain at umiinom? Ito ay posibleng mangyari kapag may mga sira ang iyong ngipin. Ngunit minsan, pwede rin itong mangyari kapag ang iyong ngipin ay mahina na.
Mga Karaniwang Sintomas ng Pangingilo
Ano ang mga nararamdaman mo kapag umiinom o kumakain ng mainit o malamig?
- Masakit ang ngipin kapag kumakain ng mainit
- Nangingilo ang ngipin kapag umiinom ng malamig
- Masakit ang ngipin kapag kumakagat ng matigas
- May pangingilo ang ngipin tuwing iinom ng tubig
Ano Ang Dahilan ng Pangingilo?
Ang crack sa iyong ngipin ay isang posibleng dahilan kung bakit nangingilo ang ngipin kapag kumakain o umiinom. Ang nerves sa pulp ay pwedeng nakabukas na dahil sa crack na ito. Sa tuwing madadmpian ito ng mainit o malamig na tubig, ito ay maaaring sumakit.
Ang ngipin na may bulok ay pwede ring mangilo kapag kumakain o umiinom. Ang nabubulok na ngipin ay nagbubukas din ng iyong ngipin kung saan pwedeng ma-expose ang nerves nito.
Ano Ang Gamot sa Pangingilo
Ang sira sa iyong ngipin ay dapat na alagaan at macheck-up ng isang dentista. Siya ang magsasabi kung ano ang pinakamainam na paraan para masagip ang iyong ngipin na may bulok o crack. Sa isang banda, pwede rin siyang magbigay ng panandaliang gamot gaya ng Mefenamic Acid, Paracetamol o Ibuprofen depende sa iyong kondisyon. Uminom lamang ng mga ito kung ikaw ay niresetahan ng dentista.
May mga toothpaste para sa pangingilo na kung saan tinatakpan ang maliliit na butas ng iyong ngipin para hindi maexpose ang nerves nito. Itanong sa iyong dentista kung ano ang pinakamabisa para rito.
Mga Dapat Iwasan na Pagkain
Ang pangingilo ay nangyayari kapag umiinom o kumakain ng malamig o mainit. Iwasan muna ang mga temperatura kung saan sumasakit ang iyong mga ngipin. Umiwas din sa mga pagkain na matigas at makunat.