May nararamdaman ka bang kumikibot sa butas ng puwet mo? Kung ito ay palaging nangyayari, dapat mong alamin kung ano ang sanhi nito. Karamihan sa mga tao ay kusang nawawala. Ngunit may ilang pagkakataon na pwede itong maging permanent depende sa kondisyon ng iyong kalusugan.
Mga Sintomas
May mga dahilan kung bakit nakakaranas ka ng kakaibang pakiramdam sa iyong puwet. Ilan sa mga sintomas na ito ay ang mga sumusunod:
- Kumikibot na butas ng pwet
- May parang nangangati na butas
- Makati at mahapdi
- Malagkit at basa ang butas ng puwet
Ano Ang Posibleng Dahilan?
Naiwan na Dumi
Kung ikaw ay hindi nakakapaghugas ng mabuti matapos dumumi, maaaring may maiwan na dumi sa paligid ng butas nito na siyang magiging dahilan ng pagkakaroon ng iritasyon. Ito ay pwedeng magdulot ng makati o mahapding pakiramdam.
Parasites
Sa isang banda, ang mga taong may parasitiko sa loob ng katawan ay pwedeng makaranas ng kakaibang sensasyon sa butas ng puwet lalo na ang pagkakaroon ng mga bulate. Maaari itong lumabas sa butas na siyang nagdudulot na di magandang pakiramdam.
Almoranas
Ayon sa Mayoclinic, posible rin na ito ay dahil sa hemorrhoids o almoranas. Ang pakiramdam nito ay minsang masakit na pwedeng may pangangati.
STD
Ang mga impeksyon sa puwet gaya ng STD o kaya naman at fungal infections ay pwede ring magbigay ng mga sintomas na nabanggit.
Paano Ito Gamutin?
Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor para malaman ang dahilan. Kung ito ay dahil sa impeksyon, maaari kang bigyan ng antibiotics o kaya naman ay mga creams na pinapahid.
Ang ilan sa mga posibleng doktor na pwedeng tumingin ng ganitong sintomas ay gastroenterologist o kaya naman ay general medicine.
Mga Dapat Iwasan na Pagkain
Sa mga sandaling may sintomas ka, sigurihin na ikaw ay kumakain ng balanced diet at umiwas sa mga pagkain gaya ng may alcohol, matatamis o maanghang.