Mahimbing ba ang tulog mo kagabi? Pero bakit parang inaantok ka pa rin? Minsan, kahit na nakatulog ang isang tao ng higit sa 8 oras ay pwede pa rin siyang makaranas ng antok sa maghapon. May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari at dapat na malaman mo ang lunas. Ang pagtulog ay importante sa tao ngunit pwede itong makaabala sa iyong pamumuhay bilang isang kondisyon sa kalusugan.
Ano Ang Mga Sintomas?
- Pakiramdam na pagod kahit nakatulog na mahaba
- Inaantok pa rin matapos matulog ng mahabang oras
- Kulang sa tulog at laging inaantok
- Nanghihina pa rin sa umaga kahit nakatulog ng mahimbing
Bakit Inaantok Pa Rin Ako?
May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Isa sa posibleng sanhi ay pagkakaroon ng problema sa hininga. Ang sleep apnea ay kondisyon kung saan tumitigil sa paghinga ang tao habang natutulog. Ito ay pwedeng mangyari kapag nababarahan ang airway ng iyong lalamunan o kaya kapag naghihilik ng malakas. Dahil sa kulang ang oxygen na pumapasok, maaaring mastress ang katawan habang tulog. Kapag ikaw ay gumising, pwede ka pa rin makaranas ng antok.
Sa isang banda, may mga gawain na pwedeng makaapekto sa iyong pagtulog nang hindi mo namamalayan. Ilan sa mga ito ay:
- Pag-inom ng caffeinated drinks gaya ng kape, softdrinks, tsaa o chocolate
- Pagkakaroon ng mga electronic devices gaya ng cellphone o computer malapit sa iyong higaan
- Hindi pagsunod sa tamang oras ng tulog base sa iyong katawan
May Lunas Ba?
Ang pagtulog ay importante para maka-recover ang katawan ng tao. Ito ay pahinga para muling manumbalik ang lakas at talas ng isipan. Ang pagkakaroon ng disiplina sa pagtulog ay makakatulong para makuha mo lahat ng benepisyo nito at maging malusog. Ilan sa mga tips ay:
Pag exercise ng regular
Pag-iwas sa caffeine
Pagsunod sa iyong sleeping time
Pagbawas ng stress
Pagtanggal ng electronic devices sa iyong higaan
Maaari kang kumonsulta sa isang doktor kung hindi ka makatulog nang mahimbing.