Amoy Bakal Na Hininga – Hininga Na Parang Metal

May naaamoy ka bang parang metallic sa iyong hininga? Madalas ito maging tampulan ng biruan ngunit dapat mong malaman na hindi ito normal. Kung ang iyong bunganga ay may impeksyon, maaari itong magdulot ng mabahong amoy na parang may bakal sa loob. Ano ba ang sanhi nito?

Bakit Amoy Bakal Ang Hininga Ko?

May ilang sanhi na pwedeng magdulot nito. Ang pagkakaroon ng amoy metal sa bunganga ay pwedeng dahil sa dugo. Kapag ikaw ay may sugat sa mga gilagid o anumang parte ng bunganga, pwede itong magdulot ng lasang bakal o kaya naman ay makaapekto sa iyong hininga.

Bakit dumudugo ang gilagid? Pwede itong mangyari kapag ikaw ay may impeksyon gaya ng gingivitis. Kung ito ay namamaga, magdurugo ito sa mga gilid ng iyong ngipin. Maaari itong lumala kapag hindi ito ginamot o kaya naman ay magkaroon ng nana. Ang impeksyon sa gilagid ay maaaring kumalat hanggang sa utak at puso na isang delikadong pagkakataon kapag hindi ginamot.

Dahil Ba Ito Sa Pagkain?

Madalas ay maaamoy mo ang iyong hininga base sa huling kinain mo. Ito ay posible ring magkaroon ng bakal na amoy kung may mga sangkap ang iyong kinain na nagdudulot nito. Sa isang banda, pwede ring maamoy sa hininga ang mga gas mula sa sikmura lalo na kapag ikaw ay gutom.

Ano Ang Solusyon?

Kung ikaw ay may sugat sa gilagid, importante na matingnan ito ng isang dentista o doktor. Malalaman sa pagsusuri kung kailangan mong gumamit ng antibiotic, mouthwash or ibang klaseng panglinis ng bunganga. Magpa check up kung ikaw ay nag-aalala sa iyong sintomas.

Ang pagkakaroon ng hininga na amoy metal o bakal ay isang sintomas. Kung ito ay nakakahiya para sayo, alamin kung paano ito malulunasan ayon sa payo ng mga doktor o dentista. Minsan, ang mga sintomas na ito ay nagsisilbing babala tungkol sa kondisyon ng iyong kalusugan.



Last Updated on September 23, 2018 by admin

Home / Kalusugan sa Ngipin / Amoy Bakal Na Hininga – Hininga Na Parang Metal