Kumikibot Na Mata – Ano Ang Nanginginig Na Talukap Ng Mata

Kumikibot ba ang talukap mo? Ang eyelids na nanginginig ay may iba’t ibang dahilan na dapat masuri. Ang paggalaw ng muscles sa parte na ito ng mata ay may kaakibat na kondisyon ng katawan o karamdaman. Ngunit may ilang dahilan din na dapat malaman kung baki ito nangyayari. Kung ikaw ay palaging may sintomas na ganito, marapat na alamin mo ang pinagmumulan.

Sintomas ng Kumikibot na Mata

  • Nanginginig ang talukap ng mata
  • Kumikibot na eyelids kapag gabi o umaga
  • Gumagalaw ng kusa ang talukap
  • Kusang pumipikit ang talukap

Mga Sanhi Ng Sintomas Na Ito

Ang isa sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng stress. Ang stress ay nagdudulot ng iba ibang sensasyon. Pwede ito makaapekto sa iyong mata at iba pang muscles.

Ang palaging pagkonsumo ng pagkain o inumin na may caffeine ay pwede rin magdulot ng nginig sa mata. Ang caffeine ay nagdudulot ng kibot sa mata dahil ito ay isang stimulant na chemical.

Ang pagpupuyat at kakulangan sa tulog ay nagdudulot din ng pagkibot sa mata. Dahil sa nababago ng puyat ng hormones sa katawan, pwede rin itong magdulot ng stress at gayun din ang pagkibot nito.

May ilang sakit na dulot ng nerve damage and pwedeng maging sanhi nito. Ang ilan sa mga ito ay epilepsy, brain cancer, Bell’s Palsi, Parkinson’s Disease, diabetes at iba pa ay pwedeng maging sanhi nito. Kung ikaw ay may ibang sintomas, dapat kang pumunta sa isang doktor gaya ng neurologist.

Ano Ang Lunas Sa Pagkibot ng Talukap?

Ang pagbawas ng stress sa iyong katawan ay dapat na unahin. Importante na mapababa ang stress hormones upang hindi ito makaapekto sa iyong muscles. Kung ang sanhi naman ay dahil sa sobrang caffeine, dapat mo ring bawasan ang pagkonsumo nito.

Ang ilan sa mga nabanggit na sakit ay hindi dapat balewalain dahil karamihan sa mga ito ay may relasyon sa utak, nerves at spinal cord. Kung ikaw ay nakakaramdam ng ibang sintomas gaya ng pagsakit ng ulo, pagkawala ng pakiramdam, panghihina, pagkahilo at panlalabo ng paningin, pumunta agad sa isang doktor upang masuri.



Last Updated on September 10, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Kumikibot Na Mata – Ano Ang Nanginginig Na Talukap Ng Mata