Nalalagas na buhok ba ang problema mo? Ito ay pwedeng magdulot ng pagnipis ng iyong buhok na minsan ay nakakabahala. Ang buhok ay nakakaapekto sa ating self confidence ay itsura. Kaya ang iba sa atin ay gagawin ang lahat para maging makapal muli ito.
Bakit Nagiging Manipis ang Buhok?
Iba iba ang dahilan ng pagnipis ng buhok sa ulo o sa anit. Ang mga dahilan na ito ay pwedeng makaapekto sa iyong itsura at madalas ito ay dahil sa klase ng ating pamumuhay at environment. Ang mga sumusunod ay pwedeng mgaing dahilan ng numinipis na buhok:
- Matapang na kemikal sa shampoo
- Pagkakaroon ng balakubak o iba pang impeksyon sa anit
- Stress at pagod
- Nasa lahi
- Kulang sa sustansya gaya ng vitamins
Ano Ang Solusyon?
Iba iba ang pwedeng maging lunas sa nalalagas na buhok. Kung ikaw ay palaging stressed, importante na bawasan ito at subukang magrelax. Ang paglalakad, pag-exercise at pagmeditate ay nakakatulong para mabawasan ang stress.
Ang lahi naman ay hindi na mababago. Kung ikaw ay may pamilyang nakakalbo rin, ito ay maaaring dahil sa lahi ninyo. Ito ay walang lunas ngunit may options gaya ng hair transplant, special hair growing shampoo at iba pa.
Ang kakulangan sa vitamins at iba pang sustansya ay pwede ring makaapekto sa iyong buhok. Ugaliin na kumain ng tama at balanse para makuha mo lahat ng kailangang sustansiya ng katawan.
Iwasan rin gumamit ng shampoo na may matapang na kemikal. Ang hair treatments gaya ng hot oil, rebond at iba pa ay pwede ring makaapekto sa iyong buhok.
Sa isang banda, ang mga impkesyon sa anit gaya ng balakubak ay pwede rin magpahina ng kapit ng mga buhok sa ulo.
Ano Ang Doktor Para Sa Buhok?
Ang anit ay parte pa rin ng balat. Sa gayon, ang ganitong karamdaman ay dapat na ipakonsulta sa isang dermatologist. Pwede kang humingi ng payo kung paano ulit pakapalin ang buhok sa mabisang paraan. May mga special na produkto para manumbalik ang sigla ng iyong buhok.
Makakalbo Ba Ako?
Ang ilang tao na nakakalbo ay maaaring dahil sa lahi. Ngunit ang ilang factors gaya ng stress, product side effects at nutrient deficiency ay pwedeng malunasan sa madaling paraan.