Namimitig Na Kamay At Braso – Ano Ang Dahilan Nito?

Bakit namimitig ang kamay ko? Kung ito ay palaging nangyayari, marapat na hanapin kung ano ang dahilan nito. Minsan, ang pamimitig ng kamay at braso ay pwedeng dahil sa nasira na nerves. Kung ang pamimitig ay may kasamang pananakit ng muscles, ito ay dapat na masuri ng isang doktor.

Ano Ang Pamimitig?

Ano ba ang pakiramdam ng namimitig? Ito ay isang sintomas na kung saan nakakaranas ka na ngawit o kaya naman ay sensations na parang namamanhid. Kung ikaw ay may edad na, mas mataas ang tsansa na ito ay mangyari. Sa mga mas bata, may iba ibang dahilan ng pamimitig.

Sintomas

  • Namimitig o nangangalay ang kamay at braso
  • Namamnhid ang mga daliri, kamay at braso
  • Nangangawit na parang pagod ang kamay
  • May masakit na nararamdaman sa loob ng kamay

Ano Ang Posibleng Dahilan Ng Mga Ito?

Ang pamimitig ay pwedeng dahil sa nerves na nasira o nairita. Isang uri nito ang carpal tunnel syndrome. Ang nerves na kumokonekta sa braso papunta sa kamay ay maaaring apektado nito. May ilang pagkakaton rin na ang sintomas na ito ay dahil sa ibang sakit. Ilan sa posibleng magdulot nito at stroke, TMJ syndrome, pagkasira sa nerves, diabetes at iba pa.

Pwede ba ito sa sobrang pagod lang? Ito ay karaniwang nangyayari sa mas bata ang gulang. Sa sobrang pagod at trabaho, maaaring makaranas ng pamimitig. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas ng iba pang sintomas gaya ng nawawalan ng lakas ang kamay, namamanhid ng di maipaliwanag at iba pang senyales, pumunta agad sa isang doktor.

Ano Ang Gamot sa Pamimitig o Pangangalay?

Sa mga taong may problema sa nerves, maaaring makatulong ang mga vitamins gaya ng Vitamin B1, B6 at B12. may mga nabibiling supplements sa botika para sa mga sangkap na ito. Importante na itanong muna sa iyong doktor o pharmacist kung pwede kang uminom ng ganitong mga supplements.

Mga Dapat Gawin Kapag Namimitig Ang Kamay

Sa mga sintomas na hindi naman malala, ang konting pahinga ay makakatulong na. Kung ito ay dahil lamang sa pagod, ang pahinga ay pwedeng magdulot ng positibong resulta.



Last Updated on September 8, 2018 by admin

Home / Mga Sakit sa Kamay / Namimitig Na Kamay At Braso – Ano Ang Dahilan Nito?