Palagi ka bang sinisikmura? Malamang ay mataas ang iyong acid sa tiyan kaya ito nangyayari. Ang pagkakaroon ng hyperacidity o kaya naman ay acid reflux at GERD ay pwedeng maging sagabal sa iyong gawain. Importante na ito ay mabigyan ng lunas para hindi na umabot sa iba pang malalang sakit gaya ng ulcer.
Sintomas at Senyales ng Mataas na Acid
Ang mataas ng acis sa sikmura ay isang sintomas na. Ngunit may ibang mga pakiramdam na pwede mong maranasan dahil dito.
Pagkakaroon ng maasim na lasa sa bunganga
Laging dumidighay
Umuutot palagi
Parang busog palagi ang pakiramdam
Masakit na parang may tusok sa lalamunan
Maasim sa loob ng sikmura
Masakit ang bandang itaas ng tiyan
Mainit and tae
Mahapdi sa butas ng puwet kapag tumatae
Bakit Ito Nangyayari?
May ilang factors o dahilan kung bakit palaging mataas ang acid sa tiyan. Ilan sa mga ito ay:
- Palaging stress
- Pag-inom o pagkain ng caffeine, softdrinks, chocolate, tsaa, kape.
- May problema sa sikmura gaya ng sakit
- Paninigarilyo
- Pagkain ng maaasim na pagkain
- Pagkain ng dairy products
- Pag-inom ng alak
May Gamot Ba Para Sa Mataas na Acid?
Maraming pwedeng mabili sa botika na tinatawag na antacid. Ito ay makakatulong para mailabas ang sobrang acid sa sikmura. Hindi na kailangan ng reseta nito ngunit dapat mong itanong sa pharmacist kung ano ang bagay sayo.
Sa mga tao na may malalang hyperacidity, ito ay dapat nang ikonsulta sa isang doktor. Ang ilan sa mga pasyente ay kailangang uminom ng gamot para sa mga sugat sa sikmura dulot ng ulcer. Ang mataas na acid ay hindi dapat balewalain dahil pwede itong magdulot ng sugat sa loob ng tiyan.
Ano Ang Mga Dapat Iwasan na Pagkain?
Gaya ng mga nabanggit, may ilang pagkain na pwede magpataas ng acid sa tiyan. Iwasan lamang ang mga ito ay unti unting makakarecover ang iyong tiyan. Ngunit ang ilan sa mga nabanggit na dahilan na gaya ng stress ay dapat masuri ng isang doktor.