Ano Ang Dahilan Ng Eczema

May mga pangangati ba sa iyong balat? Nagsusugat ba ito at nagnanaknak? Ang isa sa sintomas na nabanggit ay maaaring may kaugnayan sa eczema. Kung ikaw ay meron nito, maaaring gamutin ito ayon sa ibibigay ng iyong doktor na creams o ointment. Ang eczema ay dapat na gamutin upang hindi ito kumalat at lumala.

Ano Ang Eczema?

Ito ay isang kondisyon sa balat na maaaring mangati, magbalat, mamula at magsugat. Ang eczema ay ititnuturing din na isang uri ng allergy kapag ang balat ay na-expose sa irritant. Ayon sa research, ito rin ay pwedeng da murang balat kaya may mga bata na nagkakaroon ng eczema.

Mga Sintomas

May ilang tao na nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pamamaga ng balat
  • Nagbabalat ito
  • Tumitigas at ma crack sa balat
  • Nagsusugat at dumudugo
  • Nanunuyo ang balat at kumakati
  • Makati ang balat at may sugat
  • Namumula

Ano Ang Dahilan ng Eczema?

Maraming pwedeng panggalingan ang eczema. Ilan sa mga ito ay pagka-expose sa mga sumusunod:

Kemikal sa mga sabot, lotion at iba pang gamit sa balat

Matapang na sabon

May mga pagkain na nagiging dahilan ng eczema gaya ng itlog, gatas, mga maaalat na pagkain, mamantika at iba pa. Kung ikaw ay may allergy sa mga nabanggit, maaaring lumala ang iyong eczema.

Ano Ang Gamot Para Sa Eczema

May mga creams at ointment na binibigay ang mga doktor para mapawi ang kirot at hapdi ng eczema. Madalas ito ay may kasamang hydrocortisone na siyang nagibibgay ng ginhawa upang hindi mamaga ang iyong balat. Ngunit huwag kang gagamit ng gamot na ito kung hindi nireseta ng doktor dahil maaaring mas lumala pa ang side effects.

Paano Maiiwasan ang Eczema

May ilang tao na nasa lahi na nila ang karamdaman na ito. Naghihintay lamang ng tamang allergens o exposure ng balat sa mga factors na pwedeng magdulot ng eczema. Sa isang banda, ang mga taong may mataas na risk ng eczema ay dapat na maging mapagbantay sa mga produkto o bagay na nagdudulot nito sa kanila. Iwasan ang mga kemikal o pagkain na pwedeng maging sanhi nito.