Maraming Pilipino ang naniniwala sa pasma. Ang ganitong karamdaman ay pwedeng magdulot ng iba ibang sintomas lalo na sa mga sinasabing nalalamigan matapos ang isang aktibidad. Ang pasma ay isang termino na nagsasabi kung ano ang nararamdaman ng isang tao base sa nakagawian na sanhi nito.
Ano Ba Ang Pasma
Ito ay isang termino na pang Pilipino na sinasabing nagdudulot ng karamdaman dahil sa impluwensya ng gawain ng tao. Ito ay sinasabing nagiing sanhi ng pagkirot ng mga bahagi ng katawan, pagkakaroon ng panghihina o kaya panginginig.
Ano Ba Ang Sanhi ng Pasma
Ang pasma ay hindi nirerecognize o kinikilala sa larangan ng medisina. Ito ay sinasabing kathang isip lamang ng mga Pilipino dahil noong unang panahon ay hindi pa siyentipiko ang pag-aaral sa mga sakit. Sa mga matatanda, sinasabing ang pasma raw ay nakukuha kapag ikaw ay biglang naligo o nabasa ng tubig matapos ang mainit na gawain. Halimbawa ng ma ito ay exercise, pagtakbo at pagpapawis, pamamalantsa at iba pa.
Ano Ang Dapat Gawin Kapag May Pasma?
Kung ikaw ay may nararamdamang mga sintomas, importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor. Huwag mong iisipin na baka dahil lamang sa pasma ang iyong nararamdaman. Ang pagkonsulta sa isang doktor ay mainam na paraan para maiwasan ang paglala ng iyong karamdaman.
Pasma Sa Mga Buntis
Sinasabing mas lalo dapat maging maingat ang mga buntis. Kung ikaw ay nagdadalantao, ugaliing magpa-check up palagi sa iyong doktor upang maiwasan ang posibleng porblema sa iyong sanggol at sa iyong kalusugan.