Nag-aalala ka ba na hindi pantay ang iyong bayag? May mga lalaki na nakakaranas nito. Ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon ay pwedeng mangyari kahi kanino. Pwede sa isang matanda o kaya ba. Maging sa mga nagbibinata ay pwedeng mangyari ito.
Ano Ang Sintomas Nito?
- Hindi pantay ang dalawang bayag
- Nakalawlaw ang isang bayag sa kanan o kaliwa
- May bukol sa bayag
- Mas nakababa ang isang itlog ng lalaki
Bakit Ito Nangyayari?
Ang ganitong sintomas ay karaniwang normal lamang. Mas nahahalata ito lalo na kung malambot ang balat ng bayag at manipis. Ang hindi pantay ng itlog ay pwedeng dahil sa pagsusuot ng maluwag na underwear gaya ng boxer shorts.
Dahil wala itong suporta, pwede itong lumawlaw ng bahagya sa isang bahagi. Kung ikaw naman ay palaging tumatalon, pwede rin itong mangyari kung maluwag ang iyong damit.
Delikado Ba Ito?
Sa kabuuan, ang lawlaw na bayag ay hindi isang malaking kapansanan. Maraming lalaki ang meron nito at wala namang problema. Ngunit ang isang dapat bantayan ay pagkakaroon ng bukol sa bayag. Kung ikaw ay may nararamdaman na ganitong sintomas, agad itong ipasuri sa doktor.
Ang pananakit sa bahaging ito ay dapat ring maging isang senyales para ikaw ay kumonsulta sa doktor. Dapat mong agapan ang kahit anong problema sa iyong kalusugan lalo na kung hindi ito normal.
Baog Ba Ako?
Ang pisikal na anyo ng ari ng lalake ay maaaring walang kinalaman sa kakayanan nito na makabuntis. Ngunit importante na ipasuri ito sa isang doktor kung sa tingin mo ay hindi ito normal.