Paano Gamutin Ang Masakit Na Ngipin

Masakit ba ang ngipin mo? Kung ito ay nagpapahirap sayo, dapat mong malaman ang sanhi. Kung ang ngipin ay sira na o bulok, malaking ang pwedeng magawa ng check up upang malaman ang dapat gawin. Ngunit kung ito ay nagsisimula pa lamang sumakit, may ilang pwedeng gawin para mabawasan ang pananakit.

Bakit Sumasakit Ang Ngipin Ko?

Ang ngipin ay may nerves sa loob. Kapag ito ay nabuksan, pwede itong maging sensitibo at sumakit. May ilang dahilan kung bakit ito sumasakit gaya ng:

  • Pagkain o pag-inom ng mainit at malamig
  • Pagsiksik ng pagkain sa loob ng gilagid
  • Pagkakaroon ng impeksyon o nana
  • Pagkakaroon ng bulok na ngipin

Paano Ito Ginagamot?

Importante na ikaw ay pumunta sa isang dentista upang malunasan ang pananakit. Ngunit may ilang paraan na pwede gawin para mabawasan ito:

Paglalagay ng malamig na compress sa pisngi. Ingatan lamang ang iyong balat. Pwede ka rin umiwas sa mga matitigas na pagkain upang hindi tamaan ang nerve nito. Sa botika, may mga nabibili na pain reliever para sa masakit na ngipin. Itanong sa pharmacist kung ano ang mabisang gamot sa masakit na ngipin.

Dapat Ko Na Ba Ipabunot Ang Ngipin Ko?

Kung ito ay pwede pang takpan ng pasta, maaaring hindi kailangan. Ngunit ang dentista ang magsasabi kung kaya pa itong ayusin. Sa mga bulok na ngipin, madalas ito ay binubunot na. Tutubo pa ba ito? Kung ikaw ay may permanent teeth na, hindi na ito tutubo kapag nabunot. Maaari kang maglagay ng pustiso kung kailangan.



Last Updated on August 11, 2018 by admin

Home / First Aid / Paano Gamutin Ang Masakit Na Ngipin