Ang paghilab ng tyan ay isang sintomas na pwedeng may kinalaman sa pagdumi. Ngunit may iba ring sakit na pwedeng maging dahilan nito lalo na kung ito ay madalas mangyari. Ano ang dahilan ng madalas na paghilab ng tiyan?
Mga Senyales at Sintomas
Ang paghilab ng tiyan ay isang sintomas na hindi dapat balewalain. Kung ikaw ay may iba pang sintomas, maaaring ito ay may kinalaman sa mga sumusunod:
- Nagtatae
- Lusaw ang dumi
- Humihilab ang tiyan
- Masakit ang tiyan
- Parang nasusuka at humihilab
Mga Dahilan
Ang pagkakaroon ng LBM o diarrhea ay isa sa mga sanhi kung bakit humihilab ang tyan. Ang paggalaw sa loob ng sikmura at intestines o bituka ang siyang nararamdaman kapag may diarrhea ang isang tao. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ito ang dahilan. Minsan, ang sintomas na ito ay pwede ring dahil sa:
- Ulcer
- Hyperacidity
- Infection sa large intestine
- Pagkain ng pagkain na panis
- Food poisoning
- Pagiging buntis
- Dysmenorrhea
- Cancer
Paano Nagagamot Ang Mga Sakit na Ito
Importante na malaman muna kung ano ang dahilan ng paghilab ng tiyan. Kung ang mga sintomas mo ay tumatagal ng ilang araw, ito ay dapat na ikonsulta sa isang doktor. Ang isang gastroenterologist ang siyang pwede magbigay ng opinyon tungkol sa iyong karamdaman. May mga posibleng tests na ipapagawa sa iyo upang malaman kung ano ang dahilan nito.
Sa isang banda, ang sintomas na paghilab na minsan lang nangyari ay maaaring hindi dahil sa malalang sakit. Ngunit dapat mo pa ring bantayan ang iyong kalusugan kung may iba pang sintomas na mararamdaman.
May Iba Pang Sintomas
Ang iba pang sintomas ay dapat ring malaman doktor. Sabihin agad sa iyong doktor kung meron kang pagkahilo, pagsakit ng tiyan, dugo sa dumi, pagsusuka, kawalan ng gana sa pagkain at iba pa. Ang ilang sakit ay posibleng magkaroon ng maraming sintomas depende sa apektadong parte ng katawan.