Walang Gana Kumain – Sanhi Ng Hindi Ganado Kumain

Laging walang gana kumain? Kung ito ay nangyayari sayo o sa ibang tao sa iyong pamilya, marapat na malaman kung ano ang dahilan nito. Ang kawalan ng gana sa pagkain ay madalas na may kaugnayan sa sakit. Ngunit may ibang pagkakataon rin na ito ay hindi naman seryoso. Kaya’t dapat na ito ay ipakonsulta sa isang doktor kung palaging nangyayari.

Ang hindi pgkakaroon ng gana kumain ay siyang sintomas. Kung may ibang bagay na nararamdaman, importante na ito ay isangguni sa isang espesyalista.

Mga Dapat Malaman

Ang mga sintomas ay pwedeng iba iba depende sa tao. Ilan sa mga ito ay:

  • Nawawalan ng gana kumain kahit gutom
  • Wala sa oras ang pagkain
  • Hindi magana sa pagkain ang bata
  • Walang gana sa pagkain araw araw
  • Palaging hindi nagugutom

Ano Ang Posibleng Sanhi Nito?

Ang kakulangan ng gana sa pagkain ay maaaring maraming dahilan. Una, ito ay posibleng mangyari kapag ang tao ay stressed. Pwede rin siya mawalan ng gana ng dahil sa sakit na hindi pa nalalaman. Ilan sa mga posible nito ay:

  • Diabetes
  • Kidney failure
  • Heart failure
  • Cancer
  • HIV
  • Pagiging buntis

Tandaan na hindi dahil wala kang gana ay nangangahulugan na meron ka ng mga nabanggit na sakit. Kung ikaw ay may iba pang sintomas, dapat mo itong ipakonsulta sa isang doktor.

Nasusuka at walang gana kumain. Kung ito ay iyong madalas maranasan, importante na pumunta agad sa isang doktor. Ang pagsusuka at hindi pagkain ay pwedeng makaapekto sa iyong kalusugan dahil walang sustansiyang pumapasok sa iyong katawan.

Mga Dapat Gawin Para Ganahan Sa Pagkain

May mga supplement na pwedeng inumin upang ganahan kang kumain. Ngunit ito ay dapat rin na ipaalam sa isang doktor o dietician upang masiguro na ang iyong kawalan ng gana sa pagkain ay hindi dahil sa malubhang sakit.



Last Updated on July 21, 2018 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Walang Gana Kumain – Sanhi Ng Hindi Ganado Kumain