Nangingintab na ilong, pisngi at noo? Ito ay senyales ng oily skin na kung minsan ay pwedeng makasira ng iyong natural na ganda. Kung naglalangis o nagmamantika ang mukha mo, dapat mong malaman na pwede ito bigyan ng solusyon upang hindi maging sanhi ng pimples. Ang oily skin ay madalas mangyari sa babae man o lalaki depende sa kanilang edad.
Ano Ang Senyales at Sintoman Nito?
- Naglalangis na mukha
- Oily skin na makintab
- Oily na noo
- Oily skin sa ilong at pisngi
- Makintab na mukha dahil sa langis
May Dahilan Ba Ito?
Ang pagiging teenager ay isang dahilan ng pagkakaroon ng malangis na mukha. Ito ay dahil sa nagbabago na ang iyong katawan at nagre-release ng growth hormones na siyang pwedeng makaapekto sa oil o moisture ng iyong balat.
Sa isang banda, may mga matatanda rin na pwedeng magkaroon ng oily skin gaya ng mga taong laging exposed sa polusyon at dumi, mga taong madalas maglagay ng make up o yung may allergy rito, abnormal na hormones sa katawan at iba pa.
Paano Gamutin Ang Malangis na Mukha?
May mga produkto na pwedeng makapagpabawas ng langis sa mukha. Ang oil strip ay pwedeng magamit para punasan ang sobrang oil sa mukha. Ito ay sumisipsip ng sobrang langis. May mga facial wash at facial cleansers din na nagbabawas ng oil sa mukha.
Pwede itong gamitin ng mga taong masyadong malangis ang mukha. Ang mga facial products na ito ay pwedeng mabili sa mga botika at grocery stores.
Mga Pagkain Na Dapat Iwasan ng may Oily Skin
Maaaring may mga pagkain na pwedeng makaapekto sa langis sa mukha. Ngunit may ilan din na sinasabing nakakapagpalangis ng mukha o pimples gaya ng mani, chocolates at iba pang mamantika na pagkain. Bagamat masama naman ang pagkain ng sobra ng mga ito, iba iba ang posibleng dahilan ng pagkain sa pagkakaroon ng oily na balat. Kumonsulta sa isang dermatologist para malaman kung ano ang dapat iwasan na pagkain.