Ano Ang Gamot Sa Ubo Na Walang Plema

Inuubo ka ba ngunit walang lumalabas na plema? Ang ganitong kondisyon ay tinatawag ng dry cough. Ito ay pwedeng mangyari sa bata at matanda. Kung madalas kang magkaroon nito, pwedeng ito ay dahil sa ilang kondisyon ng kalusugan na dapat mong bigyan ng pasin.

Sintomas

  • Umuubo pero walang plema
  • Mahigpit na ubo sa dibdib
  • Inuubo sa umaga, hapon at gabi
  • Ubo na walang dinudura na plema
  • Ubo na walang lagnat
  • Ubo na masakit sa lalamunan
  • Inuubo dahil sa makating lalamunan

Sanhi at Dahilan Ng Ubo na Walang Plema

May mga klase ng ubo na may plema at mayroong ding wala nito. Ang walang plema na ubo ay isang klase ng dry cough. Ito ay pwedeng mangyari dahil sa mga sumusunod:

  • Allergy
  • Acid reflux o mataas na acid sa sikmura
  • Paninigarilyo
  • Pagkakaroon ng sipon at post nasal drip

Mga Gamot Para Sa Ubo

Kung walang plema ang iyong ubo, pwede kang makabili ng dry cough medicine sa botika. Itanong lamang sa isang pharmacist kung ano ang bagay sa iyo. Kung ang iyong ubo ay tumatagal na at may kasamang ibang sintomas gaya ng lagnat, panghihina, masakit na lalamunan, masakit ng dibdib at hirap sa paghinga, mabuting kumonsulta sa isang doktor.

May mga gamot na para sa allergy at may gamot rin para sa acid reflux at iba pang sanhi ng ubo. Makabubuti kung ito ay ikokonsulta mo muna sa isang doktor para malaman kung ang iyong ubo ay pwedeng gamutin base sa sanhi nito.

Ano Ang Pwedeng Gawin Sa Bahay

Magpahinga at kumain ng masustansyang pagkain. Iwasan na makahinga ng mga maduduming hangin gaya ng polusyon at usok ng sigarilyo. Makabubuting magpacheck up sa isang doktor kung ang mga sintomas ay tumatagal na ng dalawang linggo o kung malala na ang iyong pakiramdam.