Mga Kati Kati Sa Balat At Katawan

May mga kati kati ka ba sa iyong balat? Pwede kang magkaroon nito sa braso, tiyan, likod, mukha, binti at hita at mga kamay. Ang mga kati kati ay madalas na lumalabas kapag mainit ang panahon. Minsan, ito rin ay may kinalaman sa lakusugan ng tao.

Mga Posibleng Sintomas Nito

  • Makati at namumulang butlig sa katawan
  • Kati kati na nakaalsa sa balat
  • Kati kati na mahapdi
  • Bilog bilog na pantal
  • Maliliit na butlig sa braso, tiyan at binti
  • Mga kati kati sa likod, batok at leeg

Ano Ba Ang Sanhi Nito?

Isa sa pinakakaraniwang sanhi ng kati kati ay bungang araw. Ito ay maliliit na butlig sa balat na dahil sa mga baradong skin pores. Ang madalas na tamaan nito ay mga bata. Ngunit kahit ang matatanda ay pwede pa rin magkaroon ng bungang araw sa hindi paglilinis ng balat, sobrang pagpapawis o kaya naman ay dahil sa mga sinusuot na damit.

May mga ilang tao rin na pwede magkaroon ng makating balat na may butlig dahil sa allergy. Ito ay nangyayari kapag ikaw ay na-expose sa allergens gaya ng pollution, sabo, mga make up, chemicals at pagkain.

Mga Lunas Sa Kati Kati

Ang pangangati ng balat ay pwedeng maibsan sa pagligo at paglinis ng balat. Ngunit ito ay panandalian lamang. Dapat ka rin kumonsulta sa isang dermatologist kung kumakalat at lumalala ang pangangati ng iyong balat.

Mga Gamot Sa Bahay

Pwede ka rin maglinis ng balat gamit ng maligamgam na tubig. Sa bungang-araw, may ilang tao na gumagamit ng corn starch powder na mabisa para hindi mangati ang balat.

Ang mga lotion at creams para sa kati kati ay makakatulong din basta ang mga ito ay tama sa iyong problema sa balat. May mga bungang araw na pwedeng magamot gamit ang lotion na ginawa para rito.

Alamin sa iyong botika o sa doktor kung ano ang mabisang creams para sa kati kati.