Gamot Sa Lumalabong Pandinig – Mahina Ang Pandinig Ano Ang Lunas

Mahina na pandinig ba ang problema mo? Ito ay nangyayari sa mga tao lalo na kapag nagkakaedad. Ngunit may ilang sanhi rin nito na pwedeng magamot depende sa dahilan. Kung ikaw ay medyo bata pa, maaaring magkaroon ng malabong pandinig kung may injury.

Karaniwang Problema

Ang mga posibleng sintomas na meron ka ay ang mga sumusunod:

Panghihina ng pandinig kahit malapit

Mahina ang pandinig ng malakas ng tunog

Hindi makarinig ng maayos kahit malapit ang kausap

Hindi maayos ang tunog sa pandinig

Ano Ang Posibleng Sanhi Nito?

May mga ilang problema sa kalusugan na pwedeng maging dahilan ng pandinig na humihina.

Injury o basag na ear drums

May impeksyon sa tenga

Puno ng luga o dumi

Katandaan

Sakit

Kung ikaw ay may edad na, ito ay karaniwang normal na sintomas. Ang paghina ng pandinig sa matatanda ay nangyayari kasabay halos ng iba pang parte ng katawan.

Sa isang banda, kung ikaw ay medyo bata pa o malusog ang pangangatawan, pwedeng ikaw ay may problema sa pandinig dahil sa impeksyon. Minsan, ang pagkakaroon ng malalang sipon at sinusitis ay pwedeng maka-apekto rin sa pandinig.

Ano Ang Dapat Gawin?

Ang pagkakaroon ng lagnat ay isang sintomas ng impeksyon. Kung ito ay may kaakibat na panghihina ng pandinig, dapat mo itong ipakonsulta sa doktor na ENT.

Sa mga may edad, ang natural na paghina ng pandinig sa tenga ay pwedeng malunasan gamit ang hearing aid. Pwede itong mabili ayos sa rekomendasyon ng doktor.

Kung may problema sa pandinig dahil sa dumi o mga pamamaga sa tenga, pwede itong suriin ng doktor upang malaman kung kailangan ng gamot o anumang diagnostic procedure.

Mabibingi Na Ba Ako?

Ang pagkabingi ay dulot ng nasirang ear drums o kaya naman ay malalang sakit na nakakaapekto sa nerves papunta sa utak. Kung ikaw ay may aksidente na naging sanhi ng injury, maaaring maging permanente ang pagkabingi.



Last Updated on July 7, 2018 by admin

Home / Problema sa Tenga / Gamot Sa Lumalabong Pandinig – Mahina Ang Pandinig Ano Ang Lunas