Bahing Ng Bahing Ano Ang Sanhi Nito

Palagi ka bang bumabahing? Kung ito ay madalas mangyari, maaaring may epekto sa iyo ang kapaligiran. Ngunit sa isang banda, pwede rin ito mangyari sa kahit kaninong tao. Ang importante ay malaman kung ano ang dahilan ng sobrang pagbahing.

Ano Ang Bahing?

Ito ay normal na reaksyon ng respiratory system para ilabas ang anumang dumi na nakapasok sa ilong o nasal cavity. May mga ilng dahilan kung bakit ito nangyayari.

Sintomas

Bahing ng bahing sa umaga pagkagising

Bahing nang bahing buong araw

Masakit ang ilong at sinisipon sa umaga

Bumabahing palagi

Dahilan at Sanhi

Bakit ako laging bumabahing? May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Ilan sa mga ito ay:

  • Allergy
  • Rhinitis
  • Dumi at polusyon sa hangin
  • Sinisipon o cold virus
  • Pagkakaroon ng tanskaso o flu

Allergic rihinitis

Paano Ito Gamutin?

Ang normal na kondisyon ng tao ay nagpapabahing kapag ito ay nakalanghap ng dumi sa hangin. Nangyayari rin ito kapag tumama ang sipon. May ilang over the counter medicine na pwede mabili para mas maginhawa ang iyong pakiramdam. Itanong sa pharmacist sa botika kung ano ang bagay sa iyo.

Pwede ka rin gumamit ng face mask para masala ang dumi sa hangin kapag ikaw ay nasa labas ng bahay. Ang paggamit ng aircon sa loob ng kwarto ay makakatulong din para mabawasan ang dumi sa hangin.

Mga Pagkain Para Sa Bahing

May mga pagkain na nakakapagpalakas ng resistensya ng tao. Ito ay mga pagkain na sagana sa Vitmin C at Vitamin A. Ugaliin kumain ng prutas at gulay.



Last Updated on July 2, 2018 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Bahing Ng Bahing Ano Ang Sanhi Nito