Langib Sa Anit Ulo At Buhok- Balakubak Na May Langib

May nakakapa ka bang langib sa anit sa iyong ulo at buhok? Ang anit ay parte ng balat na pwedeng magkaroon ng parang langib at balakubak na flakes. Kung ito ay madalas na mangyari sa iyo, dapat mong malaman ang lunas para rito.

Karaniwang Sintomas

  • May langib sa anit na parang natuyong sugat
  • May butlig butlig sa anit sa ulo
  • Parang balakubak na crust o flakes sa ulo at anit
  • Pimple na nasugat sa anit
  • Tumigas na balat sa ulo, buhok at bumbunan

Bakit Ako Meron Nito?

Ano ang sanhi ng sugat o langib sa anit? Ang pagkakaroon nito ay posibleng dahil sa tumigas na makapal na balakubak. Ito ay pwedeng kumapal at magkaroon ng magaspang na parte.

Kung ikaw ay nagkaroon ng sugat, pwede rin itong maging langib kapag natuyo. Pwede itong maging makapal na balat kinalaunan. Kung madalas mo itong kutkutin, matatagalan na ito ay gagaling.

Ang pimple sa ulo o anit ay nangyayari rin kapag nagkaroon ng dumi ang mga hair follicles o pinagtubuan nito. Pwede itong magkaroon ng nana o masugat kapag ginalaw.

Paano Ito Ginagamot?

Madalas ay kusa na lang itong gagaling. Kung hindi mo ito ginagalaw o kinukutkot ng iyong kuko, ito ay mawawala rin. Ngunit dapat mo ring iwasan na gumamit ng matatapang na shampoo o sabon sa ulo.

Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin

Pwede kang makipag-ugnayan sa isang dermatologist. Ang ganitong klase ng doktor ang pwedeng sumuri sa anumang problema sa balat, kuko at buhok kasama na ang anit at ulo.



Last Updated on June 30, 2018 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Langib Sa Anit Ulo At Buhok- Balakubak Na May Langib