Makati Ang Pwet – Pisngi Ng Puwet Na Nangangati Ano Ito?

Makati ba palagi ang pisngi ng puwet mo? May mga sanhi nito na may kinalaman sa balat at dapat itong gamutin. Kung may iba pang sintomas na nagiging sanhi nito, ang mabisang gamot ay nagsisimula sa pag-alam ng sakit sa balat.

Ano Ang Mga Sintomas Ng Makating Puwet

Ang gilid ng puwet o pisngi nito ay nababalot ng balat. Kung ito ay may pangangati, dahil ito marahil sa mga kondisyon sa balat na dapat magamot. Ilan sa posibleng sintomas nito ay:

  • Makati ang pisngi ng pwet
  • May pawisan na pwet
  • Makati at namumula ang gilid ng puwet
  • May butlig butlig sa puwet
  • May patse o patche na kulay brown sa balat ng puwet

Ano Ang Posibleng Dahilan Nito?

Ang mga fungal infection sa balat sa puwet ay pwedeng magdulot ng pangangati at pamumula. Isa sa mga ito ay kondisyon na kung tawagin ay tinea versicolor. Ito ay kondisyon sa balat na kung saan nababalot ito ng pula, pink o brown na marka sa balat.

Ang fungus at pwedeng makaapekto sa balat ng pwet. Ito ay dapat na gamutin sa lalong madaling panahon dahil pwede itong kumalat.

Ano Ang Gamot Para Sa Kati Sa Puwet?

Ang doktor na dermatologist ay pwedeng magbigay ng creams na makakatulong para mapatay ang fungus sa puwet. May creams na kung tawagin ay anti-fungal na siyang mabisang paraan para mawala ang pangangati sa puwet.

May mga sabon rin na may active ingredients para sa fungus. Madalas ito ay may mga kemikal na pwedeng maging dahilan para tumigil ang pagkalat ng fungus.

Mga Dapat Gawin Kapag Nangangati Ang Pwet

Ang puwet ay maaaring pawisan. Siguruhin na magsuot ng komportableng underwear at ito ay may magandang ventilation. Ang tela ng sinusot na underwear ay importante rin. Dapat ito ay hindi masyadong magaspang o mainit sa katawan.



Last Updated on June 26, 2018 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Makati Ang Pwet – Pisngi Ng Puwet Na Nangangati Ano Ito?