Masakit Ang Titi Kapag Matigas – Sumasakit Ang Ari Kapag Tinitigasan

Ang pagtigas ng ari ng lalaki ay isang normal na bagay lalo na kung siya ay nakikipagtalik o nagmamasturbate. Ngunit may ilang kalalakihan na nakakaranas ng masakit na titi kapag matigas. Ano ang posibleng sanhi nito at ito ba ay may lunas?

Mga Sintomas

May mga lalaki na nakakaranas ng matagal na pagtigas ng titi nang walang dahilan. Ilan sa mga sintomas ay:

Matigas at masakit na ari

Masakit ang titi kapag tinitigasan

Masakit na ari kapag nakikipagtalik o sex

Hindi lumalambot ang ari ng ilang oras

Bakit Ito Nangyayari

May ilang kondisyon na kung saan ay hindi lumalambot ang ari ng lalaki kapag ito ay tumigas. Isa sa posibleng dahilan ay anemia. Ang abnormal na dugo at daloy nito ay maaaring magdulot ng masakit na pagtigas ng ari.

Ang namuong dugo at hindi magandang daloy nito sa ari ay pwedeng magdulot nang masakit na pagtigas. Kapag may injury o nasaktan ang parte ng ari, pwede ito magkaroon ng namuong dugo.

May ilang gamot o medication na pwedeng magdulot ng side effects na masakit na titi kapag ito ay matigas. Kumonsulta sa doktor kapag ito ay nangyayari sa iyo.

Ano Ang Lunas Para Dito?

Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang urologist para malaman ang dahilan ng iyong sintomas. Ang masakit na ari kapag ito ay matigas ay senyales na may problema sa iyong ari at dapat itong magamot.

Dahil Ba Ito Sa Sobrang Pagjajakol (masturbation)?

Ang madalas na pagmamasturbate ay pwedeng maging sanhi ng ilang sintomas sa ari lalo na kung ikaw ay mahigpit humawak. Ngunit hindi ito dapat maging dahilan ng masakit na pagtigas ng ari kung ang gawaing ito ay marahan mong ginagawa.



Last Updated on June 20, 2018 by admin

Home / Mga Sakit ng Lalaki / Masakit Ang Titi Kapag Matigas – Sumasakit Ang Ari Kapag Tinitigasan