Palaging Makati Ang Bayag Sa Ilalim

Nangangati ba palagi ang bayag mo at ilalim nito? Minsan, ang mga lalaking may ganitong kondisyon ay pwedeng dahil sa maduming balat ng itlog. Kung ikaw ay laging may nararanasang pangangati sa bayag, ilalim, malapit sa puno ng titi at malapit sa butas ng puwet, ito ay dapat na mabigyan ng lunas.

Ano Ang Mga Sintomas Ng Makating Bayag o Itlog ng Lalaki?

  • Laging pinapawisan ang bayag at makati
  • Namumula ang balat ng bayag o itlog
  • May butlig butlig sa bayag na makati
  • Maitim na bayag at nangangati ito

Posibleng Sakit ng Makati ang Bayag

Ano ang sakit na dahilan ng makati na itlog ng lalaki (ari ng lalaki)? Ang isang dahilan ng makating bayag ay skin infection. May mga lalaki na nakakaranas ng fungal o bacterial infection sa kanilang ari at bayag kaya ito ay nangangati.

Madalas, ang pangangati ay nasa balat lamang at ito ay karaniwang nagagamot kapag nasuri na ng doktor. Ang ilan sa mga posibleng dahilan ay:

  • Fungal infection
  • Hadhad
  • Jock itch
  • Labis na pagpapawis

May STD Ba Ako?

Minsan, ang pagkakaroon ng STD o sexually transmitted disease ay pwedeng magdulot ng makati o kaya ay masakit na bayag. Depende sa klase ng sakit, ang bayag ay pwedeng makaranas ng pangangati, pamumula at pananakit. Ipasuri sa doktor kung ito ay nangyayari ng ilang araw na. Ilan sa mga posibleng dahilan ayon sa Healthline ay:

  • Genital Warts
  • Genital Herpes
  • Gonorrhea

Ano Ang Lunas Sa Makating Bayag

Ang bayag na makati ay pwedeng malunasan sa pamamagitan ng paggamot ng sanhi nito. Kung ikaw ay may fungal infection, pwede itong magamot gamit ang anti-fungal cream. Ito ay dapat na reseta ng doktor upang siguradong epektibo ang paggamot.

Pwede ka ring magsuot ng maluluwag o komportable na briefs at underwear kung palagi kang pinapawisan sa iyong singit, bayag at titi. Importante na maiwasan ang sobrang pagpapawis sa ari upang hindi pamahayan ng fungus.

Ano Ang Dapat Gawin

Kumonsulta sa isang dermatologist kung sa tingin mo na ang pangangati ng bayag ay nasa balat lamang. Kung ikaw ay may infection, madali itong magagamot gamit ng creams.

Lotion at Creams Para sa Makating Bayag

Ang pangangati na dahil sa fungal infection ay may katumbas na creams o ointment. Itanong sa iyong doctor kung ano ang mabisa para rito. May ilang tao na gumagamit ng baby powder o kaya naman ay corn starch powder para mabawasan ang pagpapawis.

Mga Pagkain Para Sa Makating Bayag

May pagkain ba na mainam sa makati na bayag? Ang pangangati ay isang sensation sa balat. Ngunit may ilang pagkakataon na maaaring ito ay sa pagkain. Ilan sa pwedeng maging dahilan ng pangangati ay mga allergen foods gaya ng seafoods, dairy at iba pa. Umiwas sa mga ito kung may allergy ka.

Vitamins Para Sa Makati na Bayag

Ang pagkakaroon ng sapat na vitamins sa katawan ay makakapagpalakas ng resistensya laban sa mga sakit. Siguruhin na kumpleto ka sa vitamins lalo na yung pang immune system gaya ng Vitamin C at Vitamin A.

Reference from Medical news Today



Last Updated on February 10, 2020 by admin

Home / Mga Sakit ng Lalaki / Palaging Makati Ang Bayag Sa Ilalim