Lagi ka bang dumidighay? Kung ito ay isang sintomas na nakakaabala sa iyo, dapat mong malaman kung ano ang mga posibleng dahilan nito. Ang pagdighay ay isang normal na gawain lamang lalo na matapos kumain o uminom. Ngunit at palaging pagdighay nang walang dahilan ay posibleng isang problema sa kalusugan.
Posibleng Dahilan ng Madalas na Dighay
Isa sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng hyperacidity o acid reflux. Ang sobrang acid sa tiyan ay pwedeng magdulot ng hangin na siyang nagiging dighay kinalaunan. Sa ilang pagkakataon, ito rin ay pwedeng dahil sa infection o kaya cancer. Magpasuri sa doctor upang malaman ang tunay na dahlan ng palaging pagdighay.
Ano Ang Mga Sintomas Nito?
Ang isang tao na madalas dumighay ay posibleng laging may hangin sa tiyan. Ilan sa karaniwang mga sintomas ay:
- Parang palaging busog at laging dumidighay
- Dumidighay madalas at masakit ang sikmura
- May hangin palagi sa tiyan
- Matigas ang tiyan at palaging umuutot
- Ano Ang Karaniwang Sanhi ng Pagdighay
Ang palaging pagdighay kahit na matagal nang kumain ay pwedeng dahil sa ilang karamdaman sa sikmura. Ilan sa mga ito ay posibleng maging sanhi ng madalas na pagkakaroon ng hangin sa tiyan:
Hyperacidity – ito ay pagkakaroon ng sobrang acid sa sikmura. Ilan sa mga dahilan at pagkakaroon ng impatso, sobrang pagkain, pagkain na nakakapagbigay ng acid sa sikmura o kaya naman ay stress.
Kung ikaw ay madalas na uminom o kumain ng may lamang caffeine, ito ay posibleng magbigay ng mataas na asido sa sikmura. Ilan sa mga ito ay chocolate, kape, tsaa o tea, softdrinks at ilang maaasim na prutas at pagkain.
May Cancer Ba Ako?
May ilang sintomas ng stomach cancer o maging colon cancer na posibleng magdulot ng mataas na acid sa tiyan ay ito rin ay posibleng maging dahilan ng palagiang pagdighay.
Ano Ang Gamot Sa Dighay
Minsan, ang simpleng pag-inom ng maligamgam na tubig ay makakatulong na upang guminhawa ang iyong pakiramdam. Ngunit kung ang iyong dighay ay dahil sa hyperacidity o heartburn, pwede kang uminom ng mga antacid na nabibili sa botika kahit walang reseta.
Ngunit importante na ikaw ay magpakonsulta sa isang doktor upang malaman ang talagang dahilan ng iyong madalas na pagdighay at hangin sa tiyan. Ang isang gastroenterologist ay makakatulong sa mga problema sa pagkain, sikmura at tiyan.
Ano Ang Mga Dapat Iwasan Na Pagkain
Ilan sa mga pagkain na nagdudulot ng dighay ay nabanggit na. Ito ay madalas na may caffeine. Ngunit may ilang pagkain at inumin na pwedeng magdulot ng sobrang dighay gaya ng alcoholic drinks, softdrinks at mga pagkain na sagana sa mga kemikal na nagdudulot ng gas by products sa tiyan.