Palaging giniginaw ba ang pakiramdam mo? Minsan, may mga sakit na pwedeng magdulot ng giniginaw na pakiramdam. Kung ikaw ay palaging nakakaranas nito kahit na mainit ang panahon, dapat mong malaman ang ilan sa posibleng sanhi ng sintomas na ito.
Ano Ang Pakiramdam At Sintomas?
Iba iba ang pwedeng maramdaman ng isang tao ayon sa maginaw na pakiramdam. Maaaring mayroon kang isa sa mga sintomas na may kinalaman sa iyong pakiramdam.
- Palaging giniginaw ang pakiramdam
- Maginaw ang katawan kahit mainit
- Nilalamig ang buong katawan
- Madalas nanginginig ang katawan kapag gabi na
Ano Ang Mga Dahilan Nito?
Maaaring iba iba ang dahilan ng pakiramdam ng nanginginig o maginaw na sensasyson sa katawan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Diabetes
- Hypothyroidism
- Pagkakaroon ng impeksyon
- Anemia o kakulangan sa iron sa dugo
- Menopause
Ang mga nabanggit na mga sakit ay kailangan na makumpirma muna ng doktor. Hindi dahil ikaw ay palaging giniginaw ay nangangahulugan na may sakit ka na. Importante na sabihin sa doktor ang iyong mga sintomas at nararamdaman.
Anong Doktor Ang Dapat Kausapin
Pwede kang kumonsulta sa isang family medicine o general medicine na doktor. Kung siya ay may ipapagawang mga test, maaari ka niyang irefer sa mga espesyalista depende sa makikita sa resulta.
Mga Dapat Gawin Sa Bahay
Habang ikaw ay may sintomas, pwede ka munang gumawa ng ilang paraan para maging komportable. Kung ikaw ay nilalamig, mabuting magsuot ng makapal na damit. Kung ikaw naman ay maliligo, makakatulong na gumamit ng maligamgam na tubig.