Mabahong Pawis Sa Paa – Mga Gilid Ng Daliri

Nangangamoy mabaho ba ang mga daliri mo sa paa? Minsan, ang problemang ito ay hindi napapansin kung palagi ka naman nakasapatos. Ngunit ito ay pwedeng maging nakakahiyang bagay kung may makakaamoy. Ano ang sanhi ng ganitong kondisyon?

Mga Sintomas

Ang mga sintomas na pwedeng maranasan sa paa ay:

  • Mabahong gilid at sulok ng mga daliri sa paa
  • Laging nagpapawis ang mga daliri
  • May malagkit at makating parte ng daliri sa paa
  • Namamasa ang ilalim ng paa

Ano Ang Mga Sanhi?

Ang pagkakaroon ng mabahong paa ay madalas na may kaugnayan sa pagpapawis nito. Kung ang mga paa mo ay palaging nasa kulob gaya ng pagsusuot ng leather shoes, pwede itong magkaroon ng sobrang pagpapawis.

Ang palaging basang paa kasama ang madilim na kulob ng sapatos ay pwedeng magdulot ng fungal infection. Ang tawag sa ganitong kondisyon ay athlete’s foot. Sa Filipino, ito ay alipunga.

Ano Ang Mga Sintomas ng Alipunga?

May nangangapal na balat sa ilalim ng paa at daliri

Makati at nagpapawis na bahagi ng paa

Mamasa masa na pakiramdam

Namumula ang mga daliri at ilalim ng paa

Paano Ito Ginagamot?

Ang simpleng pagpapahangin ng paa ay makakatulong na. Kung lagi itong nagpapawis, mahalaga na may proper ventilation ang mga paa. Pwede kang magsuot ng mga rubber shoes o sandals na may hangin na dumadaloy sa loob.

Maliban rito, may nabibiling mga creams na mabisa laban sa alipunga. Ito ay pumapatay sa fungi na nagdudulot na mabahong amoy. Pwede ka rin gumamit ng foot powder na nabibili sa mga botika.

Nakakahawa Ba Ito?

Kapag gumamit ka ng sapatos ng iba, maaari kang mahawa sa kung anong impeksyon meron ang may ari nito. Maliban sa sapatos, pwede ka rin mahawa sa pagsuot ng tsinelas, sandals, medyas at kahit anong pang personal na gamit.

Kung palaging nababasa ang mga paa gaya ng paglusong sa baha o maputik na lugar, laging maghugas ng paa upang maiwasan ang iba pang sakit at impeksyon.



Last Updated on March 28, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Paa / Mabahong Pawis Sa Paa – Mga Gilid Ng Daliri