Madalas Mabilaukan Bakit Ito Nangyayari?

Madalas ka bang nabibilaukan kahit sa simpleng pagkain lang? May mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Importante na malaman mo ang posibleng mga sanhi kung bakit biglang bumabara ang pagkain sa iyong lalamunan.

Ano Ang Nabibilaukan?

Ito ay kondisyon kung saan ikaw ay nagkakaroon ng bara sa iyong lalamunan na siyang nagiging sanhi ng hirap na paghinga, nasasamid o kaya nauubo.

Mga Sintomas Na Dapat Bantayan

Sa mga taong may ganitong sintomas, may ilang pangyayari na pwedeng maramdaman:

  • Biglang nasasamid kapag kumakain
  • Bumabara ang pagkain sa lalamunan
  • Nabibilaukan kahit umiinom ng tubig lang
  • Nabilaukan sa pagkain
  • Nasasamid kahit sa paglunok lang ng laway

Ano Ang Mga Sanhi Nito?

Ang nabibilaukan ay normal na nangyayari kapag nagkakamali ang lalamunan sa paglunok ng pagkain at paghinga. Minsan, kapag nasasamid, ang dahilan ay ang biglang pagsasalita habang lumulunok.

Sa isang banda, ang taong nabibilaukan palagi ay dapat magpatingin sa isang doktor dahil maaaring may problema ito sa lalamunan at esophagus.

May mga ilang karamdaman na pwedeng maging sanhi ng pagkabilaok:

  • Hyperacidity at acid reflux
  • Pagkakaroon ng dighay
  • Namamaga ang lalamunan o sore throat

May Gamot Ba Para Rito?

Ang lunas sa palaging nabibilaukan ay dapat ng isangguni sa isang doktor. Mabuting maimbestigahan muna ang lalamunan upang makita kung merong pamamaga. May ilang di pangkaraniwang sitwasyon na kung saan ang sanhi at dahil sa isang tumor o cyst sa lalamunan.

Kapag Natutulog

May isang kondisyon sa pagtulog na pwedeng maging sanhi ng nabibilaukan habang natutulog. Ang tao na may sleep apnea ay nagkakaroon ng pagbara sa lalamunan kaya nahihirapan ang hangin pumasok at lumabas. Ito ay nagiging sanhi ng pagkabilaok.

Biglang nagigising o nauubo ang taong may sleep apnea at madalas tumutigil sa paghinga ng ilang segundo bago umubo.

Klase ng Doktor na Dapat Konsultahin

Pwede kang magpacheck up sa isang ENT na doktor na siyang expert sa lalamunan, ilong at tenga. Sabihin ang iyong mga sintomas para malunasan ang iyong problema.



Last Updated on March 21, 2018 by admin

Home / Problema Sa Lalamunan / Madalas Mabilaukan Bakit Ito Nangyayari?