Home / Mga Sakit ng Lalaki / Namamanhid Na Titi At Bayag – Ano Ang Sanhi Nito?

Namamanhid Na Titi At Bayag – Ano Ang Sanhi Nito?

Last Updated on March 19, 2018 by admin

May nararamdaman ka bang manhid sa iyong ari? Sa mga lalaki, pwede itong mangyari dahil sa ilang problema sa kalusugan. Ang namamanhid na bayag, titi at ulo nito ay posibleng may kinalaman sa mga kondisyon ng iyong nerves.

Ano Ang Karaniwang Sintomas?

Ang mga posibleng maramdaman mo na may kaugnayan sa ganitong sintomas ay:

  • Namamanhid na ari, titi at uten kasama ang ulo nito
  • May manhid na pakiramdam sa bayag o itlog
  • Masakit na may tusok tusok sa puno ng titi
  • Mahapdi o mainit na pakiramdam sa titi na parang sinusunog
  • Masakit ang titi kapag tumitigas
  • Parang napaso ang pakiramdam

Ano Ang Mga Sanhi o Dahilan Nito?

Ang ari ng lalake ay pwedeng makaranas nito kung siya ay may STD o sexually transmitted disease. Ito ay pwedeng maramdaman sa katawan ng ari, sa ulo o sa butas nito. Karaniwang ang impeksyon ay may dulot na sakit at parang mahapdi na pakiramdam.

Sa isang banda, ang pamamanhid ay pwede ring may kaugnayan sa nerve damage. Halimbawa, kung ikaw ay may herniated disc or slipped disc, posible kang makaranas ng pamamanhid sa ibabang bahagi ng katawan.

Sa isang banda, pwede mo rin itong maramdaman kung may mga sakit sa pantog, prostate o bayag. Ang ilan sa mga ito ay cancer, diabetes at bato sa pantog.

Ang simpleng pag-upo ng matagal sa bisikleta, sa matigas na upuan o kaya sa maliit na banko at silya ay pwede ring magdulot nito.

Pwede Ba Ito Magamot?

Ang namamanhid na ari ng lalaki ay dapat na ikonsulta sa isang doktor. May ilang mga delikadong sakit gaya ng cancer na dapat ipaalam sa isang eksperto.

Magagamot lamang ang isang sintomas kung alam ng doktor ang dahilan nito. Kumonsulta sa isang urologist upang malaman kung ano ang sakit o problema sa kalusugan na meron ka.

Bantayan kung ikaw ay magkakaroon ng ibang sintomas gaya ng lagnat, masakit na puson, may dugo sa ihi o dumi, o kaya naman may dugo sa tamod o semilya.




error: Copyright Protected!