Hindi ka ba makakita kapag malayo? Kung malapitan? Minsan, ang pagkakaroon ng ganitong sintomas ay pwedeng senyales na dapat ka nang magsuot ng salamin. Ngunit importante na malaman mo muna kung anong klaseng panlalabo ng paningin ang nangyayari sa iyo upang makapagbigay ang doktor ng tamang grado ng salamin.
Ano Ang Mga Sintomas?
Malabo ang paningin sa malayo
Ang English ng ganitong termino ay nearsightedness. Ibig sabihin nito ay malinaw ang paningin mo kapag malapit ang mga bagay. Ang mga malinaw lang sa iyo ay mga malalapit “near” kaya ito tinawag na nearsightedness.
Malabo kapag malapit
Kung kabaligtaran naman ang sintomas mo, ito ay farsightedness o yung malalayo lang ang malinaw sa paningin mo. Kapag nagbabasa ng malapit, ito ay pwedeng malabo na.
Ang mga sintomas na pwedeng meron kay ay:
- Malabo ang itsura ng mga bagay
- Parang sabog ang mga kulay at ilaw sa malayo
- Doble ang mga letra ng binabasa
Paano Ito Ginagamot?
Ang pagtanda ay natural na sanhi ng panlalabo ng paningin. Ngunit may ilang bagay na pwedeng gawin upang manumbalik ang linaw nito. Halimbawa nito ay ang pagsusuot ng salamin o contact lens na tama ang grado para sa iyo.
Bakit Ito Nangyayari? Ano Ang Sanhi?
Ang ilan sa mga ito ay pwedeng sanhi ng nanlalabong paningin:
- Katandaan – karaniwang ang mga tao edad 40 pataas ay nagsasalamin na
- Pagkakaroon ng katarata o cataract
- Pagkakaroon ng glaucoma
- Laging malapit ang tingin sa computer o cellphone
- Pagkakaroon ng ibang sakit gaya ng diabetes
Anong Doktor Ang Pwedeng Konsultahin?
Ang ophthalmologist ang doktor sa mata habang ang optometrist naman ay sumusukat ng linaw ng paningin at nagbibigay ng grado sa iyong salamin na ipapagawa.
Mga Pagkain
Pagkain para sa malabong paningin. May mga pagkain at vitamins na nakakatulong sa mata. Isa na rito ay Vitamin A. Pwede kang kumain ng mga pagkain na mayaman nito upang matulungan ang iyong mata.
Mabubulag Ba Ako?
Ang pagkabulag ay nangyayari kapag pinabayaan ang mga sakit sa mata. Dapat kang magpacheck up agad sa doktor kung ikaw ay may mga sintomas ng panlalabo.